Sandro 'di na mananahimik: Ang laban ko para sa lahat ng inabuso!

Sandro hindi na mananahimik: Ang laban ko ay para sa lahat ng inabuso!

Ervin Santiago - August 20, 2024 - 04:43 PM

Sandro hindi na mananahimik: Ang laban ko ay para sa lahat ng inabuso!

Sandro Muhlach

Trigger Warning: Mentions of rape, sexual abuse

HINDING-HINDI na mananahimik ang baguhang young actor na si Sandro Muhlach matapos umanong ma-rape ng dalawang independent contractor ng GMA 7.

Iyan ang pangakong binitiwan ng panganay na anak ni Niño Muhlach after niyang humarap virtually sa Senate hearing kahapon na pinamunuan nina Sen. Robin Padilla at Sen. Jinggoy Estrada.

Ito’y konektado pa rin sa isinampang  rape at acts of lasciviousness case ni Sandro laban kina Jojo Nones at Richard Cruz sa Department of Justice (DOJ).

Matapang na nag-post si Sandro sa Facebook ng quote card na may nakasulat na, “I will not be silenced. The truth will prevail.”

Wala mang detalyeng nakalagay, pinaniniwalaang may kinalaman pa rin ito sa paulit-ulit na pagdedenay nina Nones at Cruz sa ginawa umanong pang-aabuso sa kanya.

Baka Bet Mo: Sandro sa rape: Hanggang ngayon po diring-diri ako sa sarili ko!

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pagpapatuloy ni Sandro, “What you did to me, it wrecked me.

“Hirap na hirap ako makatulog since it happened. Anxiety and ptsds (post-traumatic stress disorder syndrome) are hard to beat.

“Everyday akong hina-haunt ng trauma ko.

“Ayokong mangyari sa iba yung ginawa sakin kaya sinabi ko sa kapatid ko na sana wag mangyari sa kanya yung nangyari sa akin kasi hirap na hirap na ko,” aniya pa.

Kasunod nito, muling nabanggit ng anak ni Niño ang bahagi ng statement niya sa pagharap sa pagdinig ng Senado hinggil sa mga kasong isinampa niya laban kina Nones at Cruz.

“Diring-diri pa rin ako sa sarili ko. Napakahirap tanggapin lahat ng ginawa sakin.

“I’m trying my best to be okay para hindi mag-alala yung pamilya ko lalo na yung mommy ko na nasa amerika na araw-araw umiiyak dahil sinisisi niya ang sarili niya na malayo siya at hindi ako naprotektahan. But the truth is hindi ako okay,” lahad ng binata.

Dugtong pa ng Sparkle artist, “Thank you to all my friends and family who always check up on me. I really appreciate it.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang laban ko ay para din sa lahat ng inabuso. The truth will prevail,” sey pa niya.

Sa huli, nag-post din siya ng isa pang quote mula sa Instagram page ng theunsilentsurvivor, “1 out of 6 Men are sexually assaulted or abused. You are not alone.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending