Carlos Yulo gusto munang mag-rest, magpapakaligaya sa Palawan, Bora
PLANONG libutin ni 2-time Olympic gold medalist Carlos Yulo ang ilang magagandang lugar sa Pilipinas para makapagbakasyon at makapagpahinga.
Tatapusin muna ng Pinoy champ ang mga natanguang commitments at public engagements bago tuluyang mag-rest nang bonggang-bongga.
“He wants to rest. He really wants to. He’s asking that if I can rest after this,” ang pahayag ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion, base sa ulat ng ABS-CBN.
Aniya pa, bibisitahin ni Carlos ang ilang resort sa Pilipinas na hindi pa niya napupuntahan sa buong buhay niya.
“He’s never seen the Philippines. He’s never seen Boracay. He’s never seen Palawan. He’s never seen the beauty of the Philippines.
Baka Bet Mo: Ogie Diaz kay Chloe: Magpakumbaba, pagbatiin sina Carlos at Angelica
“So, this time, I want him to have time off to see Boracay and go places,” ang pahayag pa ni Cynthia.
Pero bago makapagbakasyon, kailangan munang bumalik sa Paris dahil may isa pa siyang public engagement doon at muli rin siyang sasabak sa training.
“He’s leaving for Paris again in September where he has deliverables. So, he’s going there and that’s his last. After that, he’s going to come back,” pahayag pa ni Cynthia.
“Of course, he’s going to continue training because a gymnast cannot be without training. And then he’s going to go on vacation,” pagpapatuloy pa ng GAP president.
Kamakailan ay binigyan si Carlos kasama ang iba pang Filipino athletes na lumaban sa 2024 Paris Olympics ng Heroes’ Welcome Ceremony sa Malacañang sa pangunguna ni Pangulong Bongbong Marcos.
Dito ibinigay ni PBBM ang P20 million reward para sa double Olympic gold sa Paris Olympics “as mandated by the National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.” Ginawaran din ang binata ng Presidential Medal of Merit.
Balitang lagpas P100 million na ang natanggap at matatanggap pa ni Carlos bilang incentives at reward sa naiuwi niyang dalawang gintong medalya.
Nagbigay din ng mensahe si Carlos matapos ang isinagawang homecoming parade na nagsimula sa Aliw Theatre sa Pasay City at nagtapos sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila.
“Proud na proud ako sa mga nakatayo dito. Mas gagalingan po namin sa susunod na competitions and asahan niyo po na mas makakauha po tayo ng mas maraming medals po,” ang pangako ni Carlos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.