Janine sa pag-amin ni Jericho na ‘currently dating’ sila: It’s been fun!
TAWANG-TAWA si Janine Gutierrez matapos kumpirmahin ni Jericho Rosales ang real score nilang dalawa.
Magugunitang inamin ni Jericho sa isang interview na “currently dating” sila ni Janine matapos kumalat ang chikang nagkakamabutihan na sila dahil sa viral photos na spotted silang namasyal sa isang museum sa Maynila.
Naikuwento pa nga ng batikang aktor na nagsimula silang maging close nang samahan niya si Janine sa pagbisita nito sa kanyang aso na nasa veterinary clinic.
Nabanggit din ni Echo na parang tumama siya sa lotto dahil na-meet na rin niya ang buong pamilya ng aktres.
“Sabi?! Sabi?!” pang-aasar na biro ni Janine nang banggitin sa interview ng ABS-CBN News ang mga ibinunyag ni Jericho ang tungkol sa kanila.
Baka Bet Mo: Lotlot nag-react sa ‘museum’ post ni Janine: ‘Sino po kasama mo? Hmmm’
Aniya pa, “That’s sweet to hear.”
Kasunod niyan, inamin ng aktres na masayang-masaya siya dahil patuloy niyang nakikilala si Jericho hindi lang during on cam, kundi pati na rin off cam.
Para sa mga hindi pa aware, magsasama sila sa upcoming project na pinamagatang “Lavender Fields.”
“I am also super excited to be able to work with him. Actually, one of the things na sinabi ko sa manager ko before he passed away and when na-pitch pa lang sa akin itong show and they hadn’t mentioned any person yet, sabi ko, ‘Hmmm, sana si Jericho.’ Tapos nakwento ko rin ‘yun kay Echo when we first met na I am so happy it’s you,” chika niya.
Patuloy niya, “Siyempre, lahat naman tayo hinahangaan siya bilang artista. So masaya ako na kasama ko siya dito as Tyrone and Iris, then bonus na ‘yung we get along na rin off cam.”
Nang tanungin naman siya kung confirmed nga ba na dating silang dalawa?
Ang sagot diyan ni Janine, “I guess so…yeah, it’s been fun getting to know him and hanging out with him outside of work, so masaya naman.”
Bukod diyan, hiningan din si Janine ng reaksyon bilang payag naman ang kanyang ina na si Lotlot de Leon sa kanilang dalawa ni Jericho.
“Edi masya. Edi good,” sambit ng aktres.
Wika pa niya, “Unang nagka-work sina mama and si Echo [dahil sa pilot week ng ‘Lavender Fields’] and she only had nice things to say about him, so at least okay lahat.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.