True ba, Bea may pinagselosang babae na kausap ng bagong BF?

Trulili ba, Bea may pinagselosang babae na kausap ng bago raw niyang BF?

Reggee Bonoan - August 15, 2024 - 09:21 AM

Trulili ba, Bea may pinagselosang babae na kausap ng bagong BF?

Bea Alonzo

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA kahapon na may nali-link na non-showbiz guy at negosyante sa aktres na si Bea Alonzo.

Ang tinutukoy namin ay si Michael Needham na sinasabing bagong guy na idine-date ngayon ng aktres.

Sa panayam ni Boy Abunda kay Bea para sa “My Mother, My Story” ay walang inamin ang dalaga na may bago nang nagpapasaya sa kanyang puso.

Baka Bet Mo: Producer galit na galit sa singer-actress, wala raw kuwentang kausap

Pero dahil kilala namin si Kuya Boy sa istilo nitong magtanong ay may gusto siyang tumbukin na halos lahat ng katangian ni Michael Needham ay binanggit na niya bilang tipo ni Bea na next man in her life.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Ang tanong ng TV host na naglalarawan kay Michael Needham ay, “Is it important that this man is powerful, is wealthy, not in showbusiness but somebody who is successful?”

Na sinagot ng dalaga ng, “Tito Boy you know, I’d never really cared any of those ever, ever, ever. Siguro I just pray that the next man would be very  secure about himself and doesn’t matter kung ano ang background, anong trabaho. For me kailangan na-out way ng love niya para sa akin ang lahat ng odds.”

Kaya namin ito naisulat ay dahil may latest update si Ogie Diaz kagabi sa vlog nilang “Showbiz Update” na in-upload sa YouTube channel kasama sina Mama Loi at Ate Mrena.

Ayon kay Ogie ay nakita ng kanyang source si Bea nu’ng Biyernes ng gabi, August 9 sa isang resto bar kung nasaan si Michael.

Baka Bet Mo: Direktor awang-awa kay sikat na male celeb dahil binu-bully noon ng insecure na aktor

“Sabi ng aking source ay may kausap daw na non-showbiz girl itong si Michael Needham na sabi ng source ko na nasabi raw nitong si Michael Needham kung totoo man o hindi kayo na ang bahala, Michael kung gusto ninyo itong i-deny ‘no at ibibigay ko sa inyo ang pagkakataon.

“Sinabi ng aking source na itong si Michael Needham na sinabi niya sa non-showbiz girl na wala na sila ni Bea, totoo ba ‘yun?” tanong ng host.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vogue Philippines (@voguephilippines)


Gulat din ang reaksyon ni Mama Loi, “So, naging sila (Bea at Michael)?”

“Tapos maya-maya dumating daw si Bea patungo sa kung saan naka-table itong si Michael Needham tapos biglang umalis ‘yung girl (kausap ni Michael).

“’Huh! Akala ko ba wala na sila bakit nandito si Bea?’ parang ganu’n daw ang sinabi nu’ng girl. Tapos sabi raw ni Bea kay Michael, ‘Is she the girl?’

“Totoo ba ‘yun Bea? Na may ganu’ng nangyari at nakatunog na bakit may babaeng kausap?” tanong ni Ogie sa aktres.

Sapantaha naman ni Mama Loi, “Nay, baka kinakausap lang ni Michael ‘yung babae kasi di ba pag owner ka lahat kinakausap?”

“Sabagay, pero sabi ng aking source parang nagselos nga si Bea doon sa girl.  Tapos siyempre si Michael nakatunog na at naloka ang girl dahil hindi na siya kinausap buong gabi ni Michael sabi ng source ko, ha.

“Meron bang ganu’ng pangyayari? Baka merong nakakaalam ng kuwento (ay) pakikorek ang aming impormasyon na nakalap ng aming source para makorek natin dito,” diin ni Ogie.

Hirit ni ate Mrena, “E, di kuya hintayin natin si Nelson Canlas (TV host-reporter ng Chika Minute sa 24 Oras).”

“Sabagay si Bea doon lang nagsasalita, hayan Nelson ha, marami ka ng utang na chika baka naman para at least malinawan kung may bago ng nagpapasaya sa puso ni Bea aba’y papalakpak tayo diyan dahil deserved ni Bea na lumigaya naman, di ba?” say ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas din ang BANDERA sa panig o  kampo ni Bea tungkol sa tsikang may “something” sila ni Michael Needham and we stand corrected na isang Filipino-British at hindi Fil-Am tulad ng sinulat namin kahapon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending