Producer galit na galit sa singer-actress, walang kuwentang kausap

Producer galit na galit sa singer-actress, wala raw kuwentang kausap

Reggee Bonoan |January 15,2024
facebook
share this

Producer galit na galit sa singer-actress, wala raw kuwentang kausap

Reggee Bonoan - January 15, 2024 - 07:34 PM

Producer galit na galit sa singer-actress, walang kuwentang kausap

Guess, guess who!?

GIGIL at irita ang producer na kumuha sa isang singer-actress na naka-base sa ibang bansa para maging guest sa isang malaking event na ipinrodyus nila kamakailan.

Kuwento ng agent ng producer na kumontak sa singer-actress, “Maayos kausap nu’ng mag-chat kami sa e-mail at sa Facebook.

“Kasi binanggit namin ‘yung mga terms na may 4 rehearsals, may recording at sa studio siya pupunta. Umokey, excited nga kasi babalik daw siya ng Pinas, matagal-tagal na rin yata siyang hindi nakakabalik.

“Sagot namin ang fare siyempre at nag-request siya ng malapit na hotel sa venue, so, okay naman na-book namin siya at alam mo naman sa (hotel) kung magkano per day, ang mahal.

“So okay na, plantsado na, pagdating sinundo sa airport going sa hotel, tapos pinagpahinga saka sinabi namin ang itinirerary niya. Okay daw,” kuwento ng aming source.

Baka Bet Mo: Malditang singer-actress naboldyak ni actor-director, tsinugi sa teleserye dahil sa kayabangan

Pagdating na ng araw ng rehearsal ay nagdahilan na raw si singer-actress, “Nalalayuan siya sa venue ng rehearsals, ang daming dahilan, so para matapos at walang isyu, kami na ang gumawa ng paraan.

“Sa mismong hotel na lang niya siya nag-rehearse, pinapunta namin ‘yung mga taong kailangan pati sa recording. Apat na araw ang rehearsals kasi may blocking with other performers, umayaw, hanggang two days lang daw siya kasi may iba siyang ganap.

“Nagulat kami ng producer kasi kami ang dahilan kaya siya pumunta ng Pinas, kami ang namasahe tapos may ibang kausap? Ano ‘yun!” iritable nang sabi ng aming kausap.

Damang-dama namin ang reaksyon ng agent ng producer dahil nalinlang sila ng singer-actress at bukod dito ay na-check nila sa hotel na qraw-araw umaalis at gabi na babalik.

Baka Bet Mo: Enchong sa nakuhang nominasyon sa Tokyo filmfest: Naluha ako kasi parang kausap ko lang si Lord nu’ng umaga

“Araw namin iyon, gastos namin iyon, tapos may ibang kausap?” giit ng source.

Kami rin ay nagulat na may ganitong ugali pala ang singer-actress na inakala namin noon ay okay siya dahil base naman sa napanood naming ugali niya noong sumali siya sa reality show ay gusto siya ng lahat dahil marunong makisama.

At nang matapos na ang reality show ay may mga offers sa kanya at nagagampanan naman niya ng maayos ang role niya.

Kaya lang nagulat kami na biglang dumalang na ang projects at dahil sa kawalan at kailangan niyang mabuhay dahil wala naman siyang kaanak dito sa bansa ay bumalik siya sa bansa kung saan siya galing.

Nalaman naming per project na lang siya at may ilang raket na ginagawa at tsinek namin ang kanyang social media accounts at bihira siyang mag-post dahil walang ipo-post na ginagawa niya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Actually, limot na nga siya ng tao dahil hindi naman na siya napapanood sa serye o pelikula, sa rami ba naman ng bagong artista ngayon ay talagang natabunan na siya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending