Malditang singer-actress naboldyak ni actor-director, tsinugi sa teleserye dahil sa kayabangan | Bandera

Malditang singer-actress naboldyak ni actor-director, tsinugi sa teleserye dahil sa kayabangan

Reggee Bonoan |February 12,2023
facebook
share this

Malditang singer-actress naboldyak ni actor-director, tsinugi sa teleserye dahil sa kayabangan

Reggee Bonoan - February 12, 2023 - 04:56 PM

DEMANDING at abusada ang singer-actress na minsang naging parte ng malaking teleserye ng isang TV network.

Nang mawala sa show ang singer-actress ay iisa ang mga narinig naming kuwento, maldita at hindi raw nito inaayos ang trabaho bagay na ayaw na ayaw ng director-actor ng programa.

Kamakailan ay nakakuwentuhan namin ang taong kasama sa malaking teleseryeng ito at dito namin malaman na may mas matindi pa palang ginawa ang aktres.

Tinanong kasi namin kung bakit nawala ang singer-actress na sandali lang napanood sa serye, “Inabot siya ng 4 months yata. E, paano ba namang hindi tatanggalin, nakakaloka naman kasi ang ugali. E, alam mo naman si ____ (direktor at actor) ayaw niya ng mayabang at pangungunahan mo siya.

“Ganito kasi, first day pa lang ni ____ (singer-actress) sa set, dumating ang lakas ng boses, bumati naman sa lahat sabay sabing, ‘Heto may bago akong van para magamit ko sa shoot saka remembrance ko sa show.

“Nagkatinginan kaming lahat lalo na si Direk, kasi naisip namin hindi ka pa nga nagsisimula ipinagyabang mo na ang bagong bili mong van, hindi mo nga alam kung magtatagal ka. E, si Direk ayaw niya ng ganu’n,” seryosong kuwento ng taong kasama sa show.

Oo nga naman, kung hulugang nakuha ng singer-actress ang kanyang van ay aabutin ng limang taon bago nito mabayaran ng buo maliban na lang kung binayaran niya ito ng cash.

E, sa tingin namin that time ay wala naman siyang ipangka-cash dahil nga nakikiusap siyang bigyan siya ng trabaho base rin sa kuwento sa amin.

Nakaka-deliver naman daw ng linya, okay ang acting kaya lang minsan sablay, e, ayaw na ayaw ng director at actor ang ganitong senaryo kasi nga ayaw niyang nagsasayang ng oras para sa isang eksena dahil gusto niya take one lahat, organic kumbaga.

Hanggang sa buminggo na nga si singer-actress, “Akalain mo sa maraming tao, sinabihan niya si Direk ng, ‘O, isama mo na rin ‘tong boyfriend ko kahit isa sa goons para may work din.

“Hindi agad nakasagot si ____ (director at actor) kasi kapag hinto ang taping at nagkakaharap kaming lahat, nag-iisip ‘yun kahit tumatawa-tawa, e, biglang hiniritan ng ganu’n.

“Ang kulit-kulit pa para matigil sabi na lang ni Direk, ‘sige-sige kunin na ‘yan ____ (boyfriend) para matigil na.’ After 4 months tsugi na,” detalyadong kuwento ng aming kausap.

Kaya pala hindi nag-ingay ang singer-actress noong tinanggal siya sa malaking serye dahil kasalanan naman pala niya. Dati-rati kasi kapag may ganyang nangyari sa kanya ay nagtatatalak siya at kung anu-ano ang sinasabing hindi maganda pero sa pagkakataong ito ay tameme siya.

Sa kasalukuyan ay wala kaming alam na project si singer-actress, either wala ng gustong kumuha sa kanya o baka tumatanggi na rin siya at itinuloy na lang ang munti niyang negosyo.

Sabi nga ng director-actor, seryosohin at mahalin ang trabaho ‘wag gawing raket lang ito kaya lagi nitong bilin sa mga artista, maging mabait at marunong makisama para magtagal sa industriya.

Related chika:

Angeline Quinto malapit nang manganak: Can’t wait to see you anak

Toni Gonzaga may resbak sa bashers, naglabas ng cover ng ‘Roar’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Donnalyn Bartolome hindi apektado sa bashers ng kanyang ‘kanto birthday’ party: Wala akong tinatapakang tao!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending