Tatay ni Carlos nakisiksik sa Heroes' parade: 'Kurot sa puso'

Tatay ni Carlos nakisiksik sa Heroes’ parade: ‘Parang kurot sa puso’

Ervin Santiago - August 14, 2024 - 08:32 PM

Tatay ni Carlos nakisiksik sa parada ng anak: 'Parang kurot sa puso'

Carlos Yulo at Mark Andrew Yulo (nakaitim at nakataas ang dalawang kammar)

PARANG kinukurot sa puso ang ilan nating kababayan sa naging eksena ng tatay ni Carlos Yulo habang ginaganap ang Grand Heroes’ Parade ng mga Pinoy na lumaban sa 2024 Paris Olympics.

Naantig ang damdamin ng mga nakapanood sa naturang parada sa kahabaan ng Maynila ngayong araw nang makita ang ama ni Carlos sa grupo ng mga taong sumalubong sa ating mga ipinagmamalaking manlalaro.

Baka Bet Mo: Coleen itinuturing na blessing at ‘hero’ si Billy: Thank you for being you!

Napanood namin ang video kung saan proud na proud ang ama ng 2-time Olympic gold medalist na si Mark Andrew Yulo habang pinapanood ang pagdaan ng float na sinasakyan ng kanyang anak at iba pang mga atleta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Habang dumarating ang float na ating mga Olympian ay todo na ang ngiti ni Ginoong Mark at kitang-kita sa kanyang mukha ang labis na kasiyahan kahit pa nga hindi sila nakasama sa pag-welcome ni Pangulong Bongbong Marcos sa binata kagabi sa Malacañang.

Makikita sa likod ni Mark ang isang banner na may nakasulat na “CALOY, DITO PAPA MO!” na mas lalo pang nakaantig sa puso ng mga nakasaksi sa parada.

Baka Bet Mo: Hirit ni Ruru: Lahat tayo pwedeng maging bayani tulad ni Black Rider!

Hawak ito ng kanyang mga kasamahan sa likuran para mas maipakita pa raw nila kay Carlos na naroon ang ama.

Tuwang-tuwa naman si Mark nang masilayan ang anak sa float na itinaas pa ang mga kamay habang buhat ng isa niyang kasama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa napanood naming video, hindi ipinakita kung ano ang naging reaksiyon ni Carlos nang masaksihan ang ginawa ni Mark pero may nakapagsabi sa amin na sinaluduhan daw ng binata ang kanyang ama.

Base naman sa mga nabasa naming comments mula sa ilang netizens, nakakalungkot lang makita na hindi kasama ni Carlos sa parada ang kanyang pamilya.

Idagdag pa ang isyu na hindi ang mga magulang ni Carlos ang isinama niya sa welcome reception na inihanda nina President Bongbong Marcos at First Lady Liza Marcos para sa Team Philippines kundi ang kanyang girlfriend na si Chloe San Jose.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod pa rito, ikinadismaya rin ng publiko ang pahayag ng lolo ni Carlos na si Rodrigo Frisco na hindi sila pinayagang sumalubong sa pagdating kagabi ng kanyang apo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending