Ai Ai sa isyu nina Carlos, Chloe at Angelica: Mother knows best! | Bandera

Ai Ai sa isyu nina Carlos, Chloe at Angelica: Mother knows best!

Ervin Santiago - August 13, 2024 - 12:40 AM

Ai Ai sa isyu nina Carlos, Chloe at Angelica: Mother knows best!

Ai Ai delas Alas, Chloe San Jose, Carlos Yulo at Angelica Yulo

MAS naniniwala pa rin ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas na “mothers know best” pa rin pagdating sa pag-aalaga at pagpapalaki sa mga anak.

Ayon sa Kapuso star, para sa kanya subok na niya ang sikat na kasabihang mas alam pa rin ng mga nanay kung ano ang makabubuti para sa kanilang mga anak, kabilang na riyan ang usaping pag-ibig.

Ito ang reaksyon ng komedyana sa mainit pa ring isyu sa pagitan ng 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo at ng nanay niyang si Angelica Yulo pati na rin ang girlfriend ng atleta na si Chloe San Jose.

Baka Bet Mo: Ai Ai rumesbak sa mga bashers matapos mag-guest sa ‘It’s Showtime’

Binabatikos ngayon ang dyowa ni Carlos dahil sa pagiging epal daw nito sa career ng Pinoy champ. Sana raw ay huwag na itong makialam o pumapel sa mga interview ng kanyang boyfriend.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sabi ni Ai Ai, “Nood po kayo and congratulations sa ating Gold Medalist na si Carlos Yulo…and may konteng opinyon ako about dito sa mga bagay bagay…hindi ko na kasi naopinyon pala.

“Siyempre umiibig ang ating olympian … pero may kasabihan nga pagibig pag pumasok kanino man hahamakin lahat masunod ka lamang…pero mas naniniwla ako sa kasabihan (pagdating to sa pagibig ahhh) Mother knows Best.

“At sinasbi ko din yan sa mga anak ko pagdating sa pagibig kasi na experienced ko na hindi sumunod sa nanay ko pag dating sa usaping lovelife.

Baka Bet Mo: Ai Ai sa pagiging single mom noon: Isa ‘yun sa pinakamahirap na moment sa buhay ko!

“Ayun flop lahat pero si Gerald nagustuhan nya o tama na naman si mother. Yun lang bye,” ang pahayag pa ng award-winning actress.

Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa pahayag ni Ai Ai.

“Totoo po ang kinalabasan po Kasi proud pa sya na mas pinili sya ni Carlos kysa SA nanay na sya parin ang nag wagi parang wala Rin respito c girl SA nanay ni Carlos dapat tahimik nlng sya. Para Di lalo magalit ang maging biyanan nya Kung sakali.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kung ako ang may mga milyones, bibigyan ko nanay ko ng house and lot, at pagkakakitaan para maibless silang dalawa.

“Basta ako takot sa karma nang nanay , ang luha nang nanay at sakit nang damdamin masamang karma talaga Di man ngayon pero nakakatakot talaga.”

“Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ang lahat ng mga nanay. Respect begets respect. Baluktot na pagiisip yang sinasabi niyo. May karapatan ang anak na ipagtanggol ang sarili niya sa kahit sinumang kapamilya niya na abusado. #REALTALK.”

“Dapat hindi na nagbroadcast si Caloy, nakakahiya naman sa mga kapatid at tatay nya nadamay pa sa mga gulo. Sana nag-usap sila ng maayos at hindi naging mapagtaas. Ganoon din sa gf sana namagitan siya hindi ung patawa-tawa pa siya sa video na parang nanalo siya sa hidwaan.”

“Naku, ikaw lang ang makakapagsabi sa sarili mo kung the right one na ang taong gusto mong makasama habambuhay. Dapat hindi na nakikialam ang mga magulang.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“True! hindi naging Carlos Yulo kung wla ang nanay nya na nagdala sa knya ng 9 months sa sinapupunan nya at inalagaan sya mula bata gang nagka edad..ang instinct ng nanay ay laging totoo. Ano man ang nagawa ng nanay mo na pagkakamali, she’s still your mother! God said, ‘Honor your Father and your Mother.'”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending