Heart ipinagtanggol si Chiz sa 'bawas holiday': Fake news po yan

Heart ipinagtanggol si Chiz sa ‘bawas holiday’: Fake news po yan!

Ervin Santiago - August 13, 2024 - 12:15 AM

Heart ipinagtanggol si Chiz sa 'bawas holiday': Fake news po yan!

Heart Evangelista at Chiz Escudero

TO the rescue agad si Heart Evangelista sa kanyang asawang si Senate President Chiz Escudero matapos banatan ng mga netizen hinggil sa usaping “holidays.”

Naging mainit ang diskusyon ng mga manggagawang Pinoy nang sabihin ni  Sen. Chiz na napagkasunduan ng Senado na limitahan na ang pagsasabatas ng local holidays.

Ayon sa senador, ito’y pa na rin daw makasabay sa makabagong panahon at mas maging competitive ang Pilipinas sa ibang mga bansa.

Baka Bet Mo: DJ Chacha: Ang dapat bawasan ng mahabang bakasyon ay mga mambabatas

Ngunit marami ang agad na umalma sa announcement ng mister ni Heart dahil  inakala nilang national holidays ang tinutukoy ng senador.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Nag-live sa Instagram si Heart nitong nagdaang Linggo, August 11, kung saan mariin niyang sinabi na “fake news” ang mga naglabasang balita sa social media partikular na ang panawagan ni Chiz.

Sinagot ng Kapuso actress at international fashion icon ang netizen na nagkomento ng “Work, balance po kami.” Reply ni Heart sa kanya, “Fake news po yun.

“Hindi po mababawasan ang holiday, hindi lang siya madadagdagan,” paliwanag ng aktres habang nasa tabi niya ang asawa na natatawa lang.

Baka Bet Mo: Donnalyn may hugot sa pagbabalik-trabaho ngayong 2023, netizens napataas ang kilay: ‘Amaccana accla’

Sabi naman ni Chiz, “Ang average holiday po sa ASEAN, sa Association of South East Asian Nations, dito sa Southeast Asia, ang average holiday po ay nasa labing-anim hanggang labing-walo.

“Ang Pilipinas po ay nasa 25. So, ang policy po ng Senado, huwag na nating dagdagan yung 25 na yun, dahil masyado na tayong nagiging hindi competitive sa mga katabi nating bansa,” esplika pa niya.

Pagsang-ayon naman ni Heart, “Hindi siya babawasan, hindi lang siya dadagdagan.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chiz Escudero (@escuderochiz)


Sa report ng GMA, nabanggit ni Sen. Chiz na nagkasundo ang Senado na limitahan na ang pag-a-approve ng local holidays sa Pilipinas, “Yung holiday, nagkasundo ang Senado na limitahan ang mga holiday.

“Mahigit isang buwan na ang holiday sa buong bansa, which makes Philippine companies and workers less competitive,” aniya na ang tinutukoy ay mga local holiday sa mga siyudad, munisipalidad, probinsiya, at rehiyon.

Sa Amerika raw ay mabibilang lamang sa daliri ang mga holidays, “Meron silang Presidents’ Day, lahat ng magagaling nilang presidente pinagsama-sama nila sa iisang araw na lang na holiday.

“Tayo, hindi. May Araw ng Kagitingan, National Heroes’ Day. Bawat bayani, kapag pinatay sila, may holiday na naman, di ba?”

“Ang problema lang, away yan, e. Pero hindi naman kailangang gawin yan ngayon, simulan lang natin ang proseso,” ang punto pa ng senador.

Iba’t iba nga ang naging reaksyon ng mga Filipino hinggil sa isyung ito.

“Ang dapat bawasan ay ang sahod ng mga mambabatas hahaha!” komento ng isang manggagawang Pinoy.

“Bawasan ang bakasyon ng mga NASA kongreso bawasan ang kanilang allowances bawasan ang kanilang sahod at bawasan ang napakaraming congressman at senador,” hirit naman ng isa nating ka-BANDERA.

Litanya ng isa pang netizen, “Hi Mr. Senate President Chiz Escudero. I don’t think there is an issue with Filipinos competitiveness that were negatively affected by too many Philippine holidays. In fact, Filipino workers are known worldwide as hardworking, trustworthy and very diligent.

“Take Pinoy OFWs as an example- which are very much in demand. If I may suggest, why don’t you instead go head to head with CORRUPTION issues? Filipinos are very hard working and these holidays are mere rewards to ensure that work-life balance is achieved.

“Also, holiday economic tell that these numbers of holidays actually increases our GDP with improved consumer spending alone. Note that Filipinos are willing to pay for taxes but it has been ‘observed’ that government taxes do not go to nation building in terms of health, education, social systems, etc. but rather to evil pockets of evil politicians who automatically go for corruption as their means to sustain their comfortable lives.

“Why don’t you start with that instead? Have mercy on our tired taxpayers who are living less comfortable lives. We deserve more than what the government is giving back now. Please use your influence to do us a favor- FIGHT CORRUPTION,” buong pahayag nito.

Sey pa ng isa, “Madaming pwedeng ayusin pero holidays? really? most of our workers in this country are overworked and underpaid let them have their break during the holiday, Mr. Chiz Escudero.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Bakit kung saan may pakinabang ang mga manggagawa yun ang gusto nyong bawasan, bakit hindi ang madagdagan ang sahod. Hindi na kaya ng arawang sahod ng mga manggagawa ang taas ng bilihin, groceries, bigas, karne, isda, gulay, kuryente at tubig,” ang punto ng isa pa nating BANDERA reader.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending