Toni Muñoz ng Ben&Ben sa yumaong ama: 'Pa, see you tomorrow'

Toni Muñoz ng Ben&Ben sa yumaong ama: ‘Pa, see you tomorrow’

Ervin Santiago - August 12, 2024 - 02:05 PM

Toni Muñoz ng Ben&Ben sa yumaong ama: 'Pa, see you tomorrow'

Toni Muñoz at Antonio ‘Pedring’ Muñoz

NAGING madamdamin ang tagos sa pusong mensahe ng percussionist ng Ben&Ben na si Toni Muñoz para sa yumao niyang aman si Antonio “Pedring” Muñoz.

Namayapa ang kanyang tatay last Tuesday, August 6, at sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, pinasalamatan ni Toni si “Paers”, ang  tawag niya sa ama.

Kalakip ang mga litrato ni Ginoong Antonio noong nabubuhay pa ito ay ang makabagbag-damdaming mensahe ng Ben&Ben member.

Baka Bet Mo: Arci Muñoz aminadong nabaliw sa BTS, natulog sa kalsada ng Korea: ‘Wala na akong pera kaya kailangan ko nang magtrabaho’

“Salamat sa iyong ngiti, na sabi ng marami nitong mga nakaraang araw, ay ang pinagmulan daw ng sa akin. Siguro sa lahat ng nakuha ko sa iyo ito ang paborito ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Muñoz (@tonimoons)


“Salamat sa mga biro at pagpapatawa. Nitong mga nakaraang araw, kahit hirap na hirap ka na, nakukuha mo pa ring humirit ng mga ganito para pagaanin ang lahat,” ang unang bahagi ng IG post ni Toni.

Patuloy niya, “Salamat sa ilang taon ng sakripisyo at pagtatrabaho sa malayo, para masigurado na okay kami ni Kuya at ni Maers.

“Salamat dahil sa inyo ko nakuha ang hilig ko sa photography, at higit sa lahat, sa karangalan na makuhanan ko kayo ng maraming-maraming litrato tuwing umuuwi ako.

“Salamat sa pagiging halimbawa ng pag-ibig na hindi inuuna ang sarili,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Mikael gusto uling makatrabaho sina Bitoy, Paolo at Antonio: Pero sana sa drama para maiba!

Isa pa sa mga natutunan ng musician sa kanyang ama ay, “Nakita kong ang pagmamahal ay p’wede rin palang tahimik.

“Ginto ang ‘yong mga salita, pero sa minsang bibitawan mo ang mga ito, punung-puno ito ng saya, ng kaalaman, ng dunong, ng pagmahahal.

“Salamat sa pagmamahal, sa pagpapatawad sa mga kamalian at pagkukulang. Salamat sa iyong buhay, Pa,” pahayag pa ni Toni.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ben&Ben (@benandbenmusic)


Nangako rin siya sa kanyang namayapang ama, “Sisikapin kong maging kasing-mapagbigay, mabuti, hindi makasarili, at masayahin kagaya mo.

“Paalam…Pero gaya nga ng huling sinabi mo sa akin, Pa, see you tomorrow. Mahal na mahal ka namin,” aniya pa.

Sa social media rin ipinaalam ni Toni ang pagpanaw ng ama, “With heavy hearts, we share the sad news of the passing of Antonio ‘Pedring’ Muñoz, a beloved husband, father, grandfather, brother, uncle, and friend to many.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kami man ay nagdadalamhati sa kanyang paglisan, payapa ang aming mga puso sa pag-alala sa pagmamahal at kasiyahang ibinahagi n’ya sa aming buhay. Salamat sa lahat ng inyong mga panalangin,” ang opisyal na pahayag ng kanilang pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending