Netizens imbyerna sa ‘eh kasi lalaki’ comment ni Toni: ‘Nakakadiri ah!’
GIGIL mode ang maraming netizens sa viral clip ng naging interview ni Toni Gonzaga sa Viva Max Queen na si Angeli Khang.
Ito ‘yung bahagi ng video na pinag-uusapan ng dalawa ang tungkol sa harassment at abuso na nangyayari pagdating sa daring scene.
Tanong ni Toni sa sexy actress, “May time ba na you felt na na-take advantage ka?”
Umamin naman si Angeli at sinabing, “A lot. Lalo na ‘yung mga last movies ko.”
Bigla namang sumingit si Toni, “Kasi ‘diba make-carried away kasi intense ‘yung eksena na ginagawa. Minsan mawawala na sa sarili kasi it’s very physical.”
Baka Bet Mo: Ginawa ng male fan kay BINI Aiah maituturing na sexual harassment
Kwento naman ng Vivamax Queen, “May times na habang naka-plaster, natatanggal ‘yung plaster kasi tumitigas. Tapos bago pa mag-take ‘yung direktor, hinahalikan na ako. After mag-take, hinahalikan pa rin ako.”
Ipinaliwanag ni Angeli na pinagbibigyan niya ito habang taping, pero pagkatapos ay nagsusumbong na siya sa direktor.
Hindi pa tapos magsalita ang aktres, pero bigla namang humirit ang TV host upang magbigay ng opinyon: “Eh kasi siyempre, lalaki pa rin sila. Make-carried away talaga sila sa eksena, hindi ba?”
Makikita namang tumango si Angeli sa sinabi ni Toni na tila sumang-ayon.
Sa caption, ramdam na nadismaya ang netizen sa reaksyon ni Toni nang isiniwalat ni Angeli ang ilang karanasan sa Vivamax.
“Ka-frustrate ‘yung interview ni Toni with Angeli Khang, ang gandang diskusyon na sana tungkol sa harassment at abuso na nangyayari sa loob ng Vivamax pero dinismiss lang nya na ‘eh kasi lalaki’ tapos biglang nag change topic wtf??” wika ng nag-share ng video clip.
kafrustrate yung interview ni Toni with Angeli Khang, ang gandang diskusyon na sana tungkol sa harassment at abuso na nangyayari sa loob ng Vivamax pero dinismiss lang nya na “eh kasi lalaki” tapos biglang nag change topic wtf?? pic.twitter.com/F0s95K1xAb
— jm (@mondaycleaners) August 6, 2024
Nag-viral ang nasabing post na umani na ng mahigit 4.1 million views sa X, as of this writing.
Narito naman ang ilang komento mula sa mga nanggigil na netizens:
“WTF TONI GONZAGA???Expectations are already low… pero yung ‘eh kasi lalaki’ kaya okay lang mag-take-advantage?? that kind of mindset is nakakadiri ah.”
“Wutt… the topic would be interesting and life lesson for many”
“I do not know why people don’t see it pero itong si Tony feeling deep lang makipag-usap pero ang babaw niya talaga sobra, walang ka-substance substance. Emotional appeal lang ang puhunan yuck.”
“Hindi ba nao-offend ang mga lalaki na everytime sasabihin ng iba na ‘eh kasi lalaki,’ ibig sabihin nun ang sobrang baba ng tingin sa kanila? Kahit kasi ibang lalaki, naging linyahan na rin yan na ‘lalaki kasi kami.’ So you’re saying na di ka marunong mag-isip nang tama?”
“‘Eh kasi lalaki’ [rolling eyes emojis] nino-normalized kasi niya yung idea na subservient dapat yung babae sa husband (from religious standpoint niya). Kaya pati harassment pinagtatakpan. (Change topic then routes responsibility to the girl, instead of condemning the acts mentioned).”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.