Cristine na-inspire, hinanap ang pursigidong bata sa pag-aaral

Cristine Reyes na-inspire, hinanap ang pursigidong bata sa pag-aaral

Therese Arceo - August 08, 2024 - 02:51 PM

Cristine Reyes na-inspire, hinanap ang pursigidong bata sa pag-aaral

KASALUKUYANG hinahanap ng aktres na si Cristine Reyes ang isang bata na nag-viral sa social media.

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi niya ang isang post mula sa Viral na, Trending pa post kung saan makikita ang isang batang lalaki na kasa-kasama sa loob ng clasroom ang nakababatang kapatid habang nag-aaral.

Base sa ni-reshare ni Cristine, ang batang lalaki ay 9 years old lamang.

“Habang nasa klase ang batang si Renz sa New Katipunan Elementary School, katabi at inaalagaan pa niya ang kanyang kapatid.

Baka Bet Mo: Cristine Reyes, Ali Khatibi present sa moving up ceremony ni Amarah

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kuwento ng kanyang guro na si Herald Apole, pumapasok ang bata kahit hindi pa nag-aalmusal at kahit walang baon. Inaalagaan daw niya ang kapatid dahil nagta-trabaho sa bukid ang kanyang mga magulang.

Umaasa si Teacher Herald na maraming makakatulong sa bata na gustong maging guro paglaki,” saad sa caption na mula pala sa ulat ng GMA News.

Tila naantig si Cristine sa kwento mg bata kaya naman may urge ito na ma-meet ang bata.

“Nasan ang batang to?” tanong ng aktres.

Marahil ay nais ni Cristine na magpaabot ng tulong sa magkapatid.

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naturang repost ng aktres.

“Im sure mam Cristine Reyes tntawag k po ng pansin ng batabg ito.. 2lungan mo po xa nawa. Diyos npo bhala sau mam,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Bata pa lang nakikitaan mo na ng kasigasigan sa buhay, mabuting puso at pagmalasakit sa kapatid. God bless you more, magbubunga ng maganda ang iyong pagtatyaga.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey naman ng isa, “Godbless you iho napakabuting kapatid, at may pangarap kaya kahit bantay ang kapatid ppasok parin sa school, Ms. Cristine Reyes I believe u will help him. Godbless u more. Hoping mahanap mo na sya soon.”

Sa ngayon sy wala pa namang balita kung nahanap na ng aktres o may naging tulay na para magkakilala sila ng batang lalaki.

Umabot na rin ng 859 shares at mahigit 17k reactions ang naturang post ni Cristine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending