Mayor Mark Alcala tikom ang bibig sa panliligaw kay Kathryn

Mayor Mark Alcala tikom ang bibig sa panliligaw kay Kathryn

Therese Arceo - August 07, 2024 - 03:47 PM

Mayor Mark Alcala tikom ang bibig sa panliligaw kay Kathryn

SINUBUKAN ng talent manager na si Ogie Diaz na tanungin ang Lucena Mayor na si Mark Alcala tungkol sa kumakalat na chikang isa siya sa mga nanliligaw sa Kapamilya star na si Kathryn Bernardo.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” ay naikuwento ni Ogie ang kanyang paglapit sa alkalde upang tanungin kung may katotohanan bacang nasabing balita.

Ngunit sa kabila ng pagpapadala ng mensahe ay hindi raw siya sinagot ni Mayor Mark.

“Syempre mine-message ko sa kaniyang Messenger si Mayor. Tinanong ko na nga tungkol doon […] Walang sinabi. Dedma,” saad ni Ogie.

Baka Bet Mo: Jericho basted kay Kathryn kaya pinormahan si Janine?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“No’ng una, sabi ko: ‘Mayor, dedma, ha. Hahahaa,” sabi pa raw ni Ogie kaybMayor Mari.

Kalaunan ay nag-reply raw ito at sinabing, “Sorry, Tito, medyo busy. SOCA [State of the City Address] ako tomorrow.”

Dito ay tinanong na ni Ogie si Mayor Mark kung may katotohanan ba ang chismis na isa siya sa mga umaaligid ngayon kay Kathryn.

“Tapos, inano ko na, gusto ko lang malaman kung nanliligaw siya kay Kathryn. Hindi siya sumagot. So, sabi ko, ‘True nga na nanliligaw ka Mayor kay Kathryn?’ Hindi pa rin sumagot [si Mayor Mark],” kwento ni Ogie.

Matatandaang kamakailan nang umugong ang balitang isa ang alkalde sa mga bagong nanliligaw ngayon kay Kathryn.

Samantala, wala pa namang pahayag si Kathryn hunggil sa choka dahil kasalukuyan itong nasa Canada kasama sina Alden Richards para sa shooting ng kanilang pelikulang “Hello, Love, Again”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending