Xian Gaza nakisawsaw sa isyu ni Sandro, tahimik sa break up?
MAGING ang social media personality at self-proclaimed “Pambansang Marites na Lalaki” na si Xian Gaza ay nakisali na sa usapang pananamantala sa baguhang aktor ng dalawang TV executives.
Bagamat wala pang inilalabas na paglilinaw ay marami nang naglalabasang chika na ang timutukoy na baguhang aktor ay si Sandro Muhlach.
Ngayong araw, nag-post si Xian sa Facebook patungkol sa isyung mainit-init na topic ngayon sa social media.
“Ang chesmes ay ito palang pamangkin ni Aga Muhlach ay inaya sa isang after party noong GMA Gala.
“Tara doon sa hotel namin. After party! Maraming pupuntang artista,'” paanyaya raw ng dalawang executive ayon sa kwento ni Xian.
Baka Bet Mo: #JusticeForSandro trending, banta ni Niño: Inumpisahan n’yo, tatapusin ko
View this post on Instagram
Ngunit pagdating raw ng biktima sa naturang suite at nagulat ito dahil tatlo lamang sila.
“Pagdating ng biktima sa suite eh laking gulat niya na tatlo lang pala sila. Itago natin sa pangalang Sandro Muhlach, Jojo Nones at Richard Dode,” buong tapang na pagpapangalan ni Xian.
Sina Jojo at Richard ay mga kilalang TV writer.
“Bilang mga Executive ng GMA7 at bilang close friend ni Big Boss Annette Gozon, hindi makasibat ang Sandro bilang respeto sa dalawa,” pagpapatuloy na kwento pa ni Xian.
Habang nasa loob daw ng suite ay nag-uusap at nagtsi-tsikahan lang ang tatlo.
“Napilitang umamats si lalaki tapos noong anes na eh dinala siya sa kwarto ng dalawang GMA Executive. Doon na nangyari ang malagim na krimen,” sey ni Xian.
Kalaunan ay pumutok ang balita sa pamamagitan ng blind item sa social media.
Chika pa ni Xian, “Matapos pumutok ang issue sa bansa, agad-agad na dineny ng GMA7 si Richard at Jojo. Sila daw ay mga independent contractor lamang.”
Hindi tuloy maiwasan ng social media personality na kwestyunin ang pangyayari.
“Kapag may nagawang krimen, ang tawag do’n ay ‘independent contractor’? Pero kapag nakasungkit ng parangal o gantimpala, ang tawag do’n ay ‘Kapuso’?” intrigang tanong ni Xian.
Nagpahaging rin ito sa entertainment site na na diumano raw ay pagmamay-ari raw ng GMA.
Sabi ni Xian, “Ayon sa PEP . PH — tinangka daw anuhin ng dalawang GMA independent contractor si Sandro Muhlach. Take Note: ‘Tinangka’ at ‘Independent Contractor’.
“Napag-alaman ng ating team na ang totoong may-ari pala ng PEP ay GMA7 kaya ginagamit nila ito upang i-manipulate ang katotohanan.”
Dinamay pa ni Xian ang slogan ng Kapuso network.
“Walang kinikilingan!
Walang pinoprotektahan!
Serbisyong totoo lamang!
“Ayan kayang slogan ng GMA News ay maipaparanas kay Sandro upang mabigyan siya ng hustisya?
“Abangan ang susunod na kabanata dito sa Facebook page ng Pambansang Marites ng Pilipinas!” hirit pa ni Xian.
Una naman nang naglabas ng pahayag ang GMA hinggil sa pangyayari.
“Online articles and posts have recently circulated regarding an alleged incident involving an artist and independent contractors of GMA Network.
“We have yet to receive a formal complaint from those allegedly involved in the issue. Should one be filed, the Network is committed to conducting a thorough and impartial investigation. We assure the public that GMA Network takes such matters with utmost seriousness.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.