Hugot ni Angelica: Madalas naiinggit ako sa childhood ni Amila

Hugot ni Angelica: Madalas naiinggit ako sa childhood ni Amila…

Ervin Santiago - July 31, 2024 - 08:44 AM

Hugot ni Angelica: Madalas naiinggit ako sa childhood ni Amila...

Angelica Panganiban, Gregg Homan at Amila Sabine

HINDI maiwasang balikan at alalahanin ni Angelica Panganiban ang kanyang naging buhay noong bata habang nakikipaglaro sa anak na si Bean.

Ikinumpara ng celebrity mom ang precious moments at mga pinagdaanan niya sa murang edad sa childhood ngayon ng panganay nila ng asawang si Gregg Homan.

Ngayong lumalaki na raw si Bean o Amila Sabine, mas marami pa raw siyang natututunan bilang nanay at may mga pagkakataon talaga na bigla na lang niyang maaalala ang kanyang childhood na ibang-iba raw sa kanyang anak.

Baka Bet Mo: Angelica emosyonal sa unang kaarawan ni Baby Amila: ‘1 taon na ‘kong baliw sa ‘yo, mahal na mahal kita nang wagas!’

Nag-share ang Kapamilya actress ng video sa kanyang Instagram page kung saan makikita ang mga bonding moments nilang pamilya, kabilang na ang paglalaro ni Bean sa iba’t ibang lugar na kanilang pinupuntahan.

“Making memories for our little munchkin. Madalas naiinggit ako sa childhood ni Amila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica P Homan (@iamangelicap)


“Pero yun naman ang goal namin. (hindi mainggit ha) yung tipong paglaki niya matutuwa siyang balikan ang mga panahon na puno ng kulay at sigla,” bahagi ng caption ng super hands-on mom.

Ayon pa kay Angelica, sa kabila ng pagkakaiba ng environment at mga sitwasyon na kinalakihan nila ng anak, masasabi naman niyang naging exciting at makulay din ang kanyang kabataan, lalo na nang mapasabak na siya sa showbiz sa murang edad.

“Pero kung babalikan ko ang childhood ko, kakaiba rin ha! Sa murang edad iba’t ibang tao na nakasalamuha ko. Iba’t ibang buhay ang binuhay ko.

“Natuto akong balansehin ang oras ko sa pag-aaral, pagtatrabaho, at laro,” sey ni Angge.

Baka Bet Mo: Angelica, Gregg excited sa 1st day ni Baby Bean sa school: Proud parents

“Marami raming lugar ang nabisita ko at naging mga kaibigan ko dahil sa trabaho. Pero wait bakit naging kwento ko na ‘to Mahinahon na weekend sa lahat,” pahayag pa ng aktres.

Sa isa pa niyang IG post, ibinahagi rin ni Angelica ang video ng anak kung saan makikitang enjoy na enjoy ito sa paglalaro sa labas ng kanilang bahay, kabilang na ang pagsakay ni Bean sa swing habang itinutulak ng tatay niyang si Gregg.

“The sun is finally out!! Sharing with you our little ray of sunshine who’s very happy to go out and play again,” aniya sa caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica P Homan (@iamangelicap)


Narito ang reaksyon ng ilan sa kanyang IG followers.

“Ay bitin! Ang sarap lang basahin ng kwento mo nung kabataan mo Angge kahit isang bukas na aklat na ang buhay mo sa amin lalo na sa mga nagmamahal sayo simula nung bata ka pa lalo na nung naging c Becky ka. Salamat for sharing your life and experiences to us. I love you and your family.”

“Bean ang cuteeeeee cuteeeeee mo talaga and ang pretty mo pa like your mom Mrs. @iamangelicap.”

“Cute naman nung Fur Kuya niya sa likod. Binabantayan din si Bean.”

Kamakailan ay ibinalita rin ni Angelica sa pamamagitan ng kanyang vlog na sumailalim siya sa hip surgery last July 7, na tumagal nang pitong oras.

“Nasa recovery room ako, nanghihina. Sobrang sakit, hindi ko ma-explain ang sakit.

“Nu’ng nakita ng doctor ‘yung x-ray ko napansin niyang meron na ngang slight collapse ‘yung left hips ko.

“Hindi pa siya totally nagco-collapse pero bumabagsak na ‘yung kaliwa kung balakang kaya nagli-limp na ako kaya todo na ‘yung pain.

“So nu’ng hinihingi namin ‘yung suggestion niya kung ano ang dapat gawin, ayaw niyang mabigyan din ako ng hip replacement so binigyan niya ako ng cord decompression,” pagbabahagi ni Angge.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

July 10 naman nang ma-discharge siya sa ospital at kinailangang mag-bedrest for three weeks da bahay, “Hopefully sana hindi na ako umabot sa hip replacement with the help of proper therapy, care, and prayer.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending