Katawan ni UGE pinagtawanan sa ‘It’s Complicated’ | Bandera

Katawan ni UGE pinagtawanan sa ‘It’s Complicated’

Ambet Nabus - November 09, 2013 - 03:00 AM


UPON the invitation of Ms. Roselle Monteverde-Teo, napanood namin ang premiere night ng “Status: It’s Complicated” ni direk Cris Martinez at pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Paulo Avelino, Solenn Heussaff, Maja Salvador at Eugene Domingo, plus ang cute little boy na si Clarence Delgado.

May mala-blast from the past moment kami upon watching the film kasi in the early 80’s (the original Salawahan movie was shown in 1979 at dito  nga based ang It’s Complicated) kung kailan namin paulit-ulit na pinanood yun sa betamax noong araw, ay sobrang “crush” na namin ang namayapang si Jay Ilagan who played Gerry na ginagampanan ngayon ni Paulo.

Bongga pa rin ang  dialogues though may slight improvement, retain na retain yung original lines na bukod tanging ang yumaong National Artist na si Ishmael Bernal ang nauna sa kanyang panahon.

Kahit yung bading na alalay ni Solenn (as Sylvia originally played by Sandy Andolong) ay vividly remember namin na ginampanan ng sumikat na komedyante in the 90’s na si Rene Requiestas.

Ha-hahaha! Kabisado pa namin yung mga linya niya doon hanggang sa pag-awit niya ng “Ibong Sawi.”Si Maja Salvador (as the conservative Rina, played by Rio Locsin noon) ang nakapagpatino kay Jake Cuenca (as Manny, portrayed sa orig movie by Mat Ranillo III), na isang super playboy.

Ganu’n pa rin ang kuwento tungkol sa magkaibigang Manny at Gerry (now it’s called bromance) na eventually ay nagkapalit ng buhay – ang ang dating playboy ay tumino at ang dating torpe ay naging babaero.

Siyempre super updated ang new version kaya’t akmang-akma sa mga nangyayari ngayon sa kapaligiran kaya nagawa ng movie na dalhin ang mga manonood sa panahong ito na “in na in” pa rin ang usapin tungkol sa complicated relationships at sex.

Mahuhusay lahat ng mga artistang gumanap partikular sina Maja at Solenn (na wala yatang pangit na anggulo at super ganda at sexy) at si little boy Clarence (na originally played by the son of Lili Miraflor noon na naging si Ding sa ‘Darna’ movie ni Ate Vi) na kapatid ni Paulo sa movie na at an early age ay may alam na tungkol sa mga babae at sex.

Magaling si Jake lalo na sa batuhan ng mahahabang lines (na tatak Bernal), pero yung transition ni Paulo from torpe to playboy ang mas nagustuhan namin.

Or baka biased nga kami sa role niya dahil si Jay Ilagan pa rin ang nakikita namin sa screen. Ha-hahahaha! Anyway, gaya ng sa original movie, scene stealer pa rin ang karakter ni Marianne (played by the late Ms. Rita Gomez noon at si Eugene Domingo sa new version).

Siya yung author ng book tungkol sex na talaga namang may mga riotous and hilarious lines and moments na in all fairness ay nagawa ng bonggang-bongga ni Uge.

As in for us na mga film students, isa na marahil sa pinakamagagaling na aktres ng bansa si Rita Gomez and yet, Uge’s take in the film is also incomparable.

Siya talaga ang laging nagbibigay ng matunog na halakhak at palakpakan mula sa audience na sobrang enjoy na enjoy sa mga eksena niya kahit na mukha talaga siyang poste (at least hindi drum, ha!) sa kanyang swimsuit outfit sa Boracay scene niya. Ha-hahaha!

Mukhang makaka-iskor ng super blockbuster ang Regal Films sa “Status: It’s Complicated” base sa masayang reaksyon at tilian ng mga nakapanood nito.

Oopps, did we mention na super kuwela din yung part na eventually nga ay pinanindigan na ni Paulo ang pagiging playboy kung saan may last appearance si Lovi Poe (sa pagkakatanda namin sa original film, ay ginampanan ni Cherrie Gil).

And yes, magsasawa kayo rito sa mga seksing katawan, mapababae man o lalaki, pati na yung mga “bading” moments nina Paoulo at Jake.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending