Michael de Mesa 17 oras stranded sa baha, inaatake na ng anxiety

Michael de Mesa 17 oras stranded dahil sa baha, inaatake na ng anxiety

Pauline del Rosario - July 25, 2024 - 11:51 AM

Michael de Mesa 17 oras stranded dahil sa baha, inaatake na ng anxiety

PHOTO: Instagram/@mdemesa24

KAMUSTA na kaya ngayon ang batikang aktor at direktor na si Michael De Mesa?

Base kasi sa huling Instagram post niya, 17 hours na siyang stranded sa kalsada dahil sa matinding baha.

Ilang beses pa ngang nag-post si Michael sa kanyang IG page upang mag-update sa kalagayan niya sa gitna ng pananalasa ng bagyo.

Kwento ng aktor, hindi pa siya nakakauwi mula nang mag-pack up sila sa taping sa Cainta noong Miyerkules, July 24.

“The roads are impassable due to waist-deep flooding, and my car has malfunctioned from the water I had to drive through earlier. It’s nighttime now, and I haven’t eaten,” sey niya sa unang IG post.

Wika pa niya, “I guess we definitely shouldn’t have gone to work today.

Baka Bet Mo: Michael de Mesa binantaan ng ‘Probinsyano’ fan: Pag nakita kita sa personal titirahin kita sa ulo

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael Edward Eigenmann (@mdemesa24)

Kasunod niyan ang IG story na ipinapakitang nasira na ang kanyang kotse at 13 hours na siyang stranded sa loob ng kanyang sasakyan.

“Malfunction! Oh by the way, I’m still stranded!” caption niya.

Michael de Mesa 17 oras stranded dahil sa baha, inaatake na ng anxiety

PHOTO: Instagram Story/@mdemesa24

At ang huling post niya sa IG ay kaninang umaga, July 25, na kung saan ay nandoon pa rin siya at hindi pa nakakauwi.

Ayon sa kanya, 17 hours na siya nandoon sa loob ng kanyang kotse at naiiyak na raw siya.

“The tow truck can’t get through, and my anxiety is kicking in,” update niya.

Aniya pa, “I just want to go home.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael Edward Eigenmann (@mdemesa24)

Lubos namang nag-aalala ang kanyang misis na Julie Reyes-Eigenmann.

Sa comment section, mababasa ang kanyang sinabi na: “Please find a place to eat, Hana. Be safe. Will keep praying [folded hands emoji].”

Nagkomento rin si Julie na pinapakalma ang kanyang mister: “Praying you’ll be home soon, my love. Hang in there.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpaabot din ng dasal ang ilang kapwa-artista, kabilang na riyan sina Yasmien Kurdi, Iza Calzado, Jasmine Curtis-Smith, Eula Valdez, at marami pang iba.

“Hope you can grab a bite somewhere! Ingat please! [folded hands, red heart emojis],” sey ni Iza.

Komento ni Jasmine, “Praying you get home safely [red heart emojis].”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending