Michael de Mesa binantaan ng 'Probinsyano' fan: Pag nakita kita sa personal titirahin kita sa ulo Bandera

Michael de Mesa binantaan ng ‘Probinsyano’ fan: Pag nakita kita sa personal titirahin kita sa ulo

Reggee Bonoan |March 23,2021
share this

Michael de Mesa binantaan ng ‘Probinsyano’ fan: Pag nakita kita sa personal titirahin kita sa ulo

Reggee Bonoan - March 23, 2021 - 04:54 PM

GABI-GABI naming pinanonood ang “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil may mga bagong pasok na karakter na interesting subaybayan ang kuwento.

Naiinis kami ngayon kay Michael de Mesa bilang si Ramil Taduran na tumalikod na kina Cardo Dalisay (Coco Martin) at sumama kay Lito (Richard Gutierrez). Ipinagkanulo niya ang mga dating kaibigan para sa pangarap niyang yumaman.

Pero sa kabilang banda baka lang ginawa ito ni Michael para makakuha ng impormasyon tungkol kay Lito at para mapaniwala niyang tumalikod na talaga siya kaya harap-harapan kung bastusin niya ang mga dating kaibigan, ‘yan ang aabangan.

At marami pala talagang apektado sa ginawa ni Taduran dahil isa sa mga sumusubaybay sa “Ang Probinsyano” ay binantaan pa si Michael na ipinost pa niya sa kanyang Facebook page nitong Lunes.

Ang basher ni Michael ay nangangalang Dansh FarMir, ipinost  niya ang profile picture nito sa FB na may caption na, “Ganun ba ako ka effective? Bro, teleserye lang yan. Wag masyadong seryoso. Positive vibes lang. Hahaha!”

Ang sabi kasi ng basher sa veteran actor, “Hoy manager sana mamatay kana sa probinsyano mo. Pag nakita kita sa personal titirahin kita sa ulo mo at sa tit* mo.”

Marahil ay nabasa ng basher ang sinabi ng aktor na teleserye lang at huwag seryosohin kaya humingi rin naman ito ng dispensa pagkalipas ng ilang oras.

Ipinost muli ni Michael ang paghingi ng tawad ni Dansh FarMir, “Sir Michael De Mesa. Pasensya na po PWD ako na nadala lang po ako sa galing mong pag-arte galit na galit ako sa ginawa mo kay sir Cardo sa palabas n’yo po. Sori po talaga.  Gusto ko mag sori sa inyo kahit sa harap.”

Nilagyan naman ito ni Michael ng caption na, “Guys, nag sorry na siya! Thank you for having my back. Let this be a teachable moment for all of us. To be careful of what we say to each other online and in person. Basta good vibes lang tayo!”

Sa mga nababasa namin dati na sawa na raw sila sa aksyon serye ni Coco dahil limang taon na ito sa ere at wala nang bago sa istorya, pero bakit marami pa ring apektado sa kuwento nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending