Ivana kinampihan ni Smugglaz: Hindi siya nag-attitude at pa-star

Ivana Alawi kinampihan ni Smugglaz: Hindi siya nag-attitude at pa-star

Ervin Santiago - July 24, 2024 - 12:05 AM

Ivana Alawi kinampihan ni Smugglaz: Hindi siya nag-attitude at pa-star

Smugglaz, Ivana Alawi at Coco Martin

IPINAGTANGGOL ng aktor at rapper na si Smugglaz si Ivana Alawi laban sa mga nagsasabing pasaway at uma-attitude na ito kaya natsugi sa “FPJ’s Batang Quiapo.”

Para kay Smugglaz o Bryan Lao sa tunay na buhay, walang bahid ng katotohanan ang naglabasang chika tungkol sa kanilang co-star sa pinagbibidahang teleserye ni Coco Martin.

Baka Bet Mo: Smugglaz, Bassilyo kinampihan si Coco Martin, binanatan si Rendon Labador

Ang naglabasan kasing balita, kaya raw nagdesisyon si Coco at ang buong production ng naturang Kapamilya action series na tanggalin na ang karakter ni Ivana bilang si Bubble ay dahil sa “attitude issue” sa sext actress.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pahayag naman ni Smuglazz na gumaganap bilang si Kidlat sa “Batang Quiapo,” never as in never nilang naramdaman na nagpasaway si Ivana sa shooting o nag-primadonna sa set.

“Sa amin kasi kapag may lumulutang na ganyan, si Direk Coco, kasi lahat ng pinupuwesto niya, lahat iyan naka-tono. Kumabaga, naka-tono para blend tayo.

“Sa tingin ko sa pagtatagal ni Ivana, ‘di mo masasabing nag-attitude kasi si Ivana, kapag kasama namin sa set sobrang bait niya e, kalog rin siya. So, kung paano mo siya nakikita hindi naman siya pa-istar,” pahayag ni Smugglaz sa interview ng ABS-CBN.

Dagdag pa niya, “Kasi bago pa man namin siya nakasama sa ‘Batang Quiapo’, kasama na namin siya sa ‘Probinsyano’, nagkakausap na kami noon hindi pa siya leading lady.

“Ang role pa niya noon kina Ryan Eigenmann so nagkasama na kami sa dati kaya hindi na bago. Siguro mas mainit lang ngayon kasi nga si Ivana na siya.

Baka Bet Mo: Ivana walang kalandiang dyowa: Hindi ako naghahanap, hindi rin ako nagmamadali

“Pero ramdam naman niya ang respeto sa amin sa set at  nakikita niya ‘yun at sinusuklian niya kaya maayos kami sa set,” pagtatanggol pa ni Smugglaz kay Ivana sa naturang panayam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bryan Lao (@smugglaz.187)


Patuloy ng rapper-songwriter, “Si Direk Coco kasi hindi naman plastik na tao ‘yan e, hindi ‘yun showbiz na tao. Black and white siya sobrang black and white niya.

“Pero kapag nainis na talaga siya, lalo kapag kainis-inis naman talaga mararamdaman mo lalo kapag ikaw ‘yung mga kadikit niya, so talagang makikilala mo si Direk sa tagal ng panahon at magtutugma rin kayo,” pahayag pa ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpasalamat din siya kay Coco dahil sa tiwalang ibinibigay nito sa kanya at sa lahat ng mga kasamahan nila sa serye. Si Smugglaz din ang kumanta sa soundtrack ng serye.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending