Diana Zubiri excited sa reunion ng 4 na OG Sang'gre

Diana excited sa reunion ng OG Sang’gre; join sa National Hopia Day

Ervin Santiago - July 23, 2024 - 12:15 AM

Diana excited sa reunion ng OG Sang'gre; join sa National Hopia Day

Diana Zubiri, Isko Moreno, Cory Quirino at Gerie Chua kasama ang kanyang pamilya

SIGURADONG matutuwa ang fans ng mga original Sang’gre ng “Encantadia” na sina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Diana Zubiri at Karylle sakaling matuloy ang kanilang reunion project.

Excited na si Diana sa posibleng pagsasama-sama uli ng mga karakter nila sa kauna-unahang version ng “Encantadia” kahit pa nga nasa iba’t ibang TV network na sila.

Ngunit naniniwala ang dating sexy actress na mangyayari ito sa tamang panahon lalo pa’t tuluy-tuloy pa rin ang collaboration ng ABS-CBN at GMA Network.

Baka Bet Mo: Diana ilang beses nag-audition sa ABS-CBN: Simula Star Circle 1 hanggang 10, ako po’y nag-apply pero naligwak ang lola n’yo

“If ever man na gawin namin ‘yun, magkakaroon talaga ng possibilty for them to cross (TV network),” ang pahayag ni Diana nang makachilahan siya ng ilang members ng entertainment media sa naganap na National Hopia Day sa SM MOA last Friday.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diana Zubiri-Smith (@dianazubirismith)


Tulad na lang ng upcoming project niya sa GMA 7 na “Mga Batang Riles” kung saan makakasama nila ang ilang Kapamilya stars tulad ni Desiree Del Valle.

Kinumpirma ito ng Star Magic Philippines sa kanilang Instagram account, “Star Magic’s #DesireeDelValle hops on GMA’s ‘Mga Batang Riles’ as announced in the series’ story con.”

Ang iba pang cast members ng “Mga Batang Riles” ay sina Jay Manalo, Ronnie Rickets, at ang veteran actress na si Eva Darren.

“Nakakatuwa kasi malaking tulong ‘yun sa mga artista na magkaroon ng opportunity na lumabas sila sa iba’t ibang channel and siyempre, to work with other celebrities.

Baka Bet Mo: ‘Mananalo si Angel kung tatakbong senadora o congresswoman’

“Kasi before, parang wini-wish mo lang na maka-trabaho mo lang sila. But then again, hindi siya possible kasi mayroon nga tayong exclusivity sa network pero ngayon, very exciting kasi sa show namin makakasama namin si Desire Del Valle na homegrown siya ng ABS-CBN,” sey pa ni Diana.

Samantala, isa si Diana sa mga naging special guest na nakisaya sa napakasarap na selebrasyon ng kauna-unahang National Hopia Day na pinangunahan ng Eng Bee Tin na naganap sa SM Mall of Asia Music Hall.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diana Zubiri-Smith (@dianazubirismith)


Kasama rin ng aktres ang kanyang asawang si Andy Smith at ang dalawa nilang anak na babae na sina Aliyah Rose at Amira Jade.

Naroon din sina dating Manila Mayor Isko Moreno, TV host Cory Quirino at iba pang personalidad, kabilang na siyempre ang Eng Bee Tin President and Chairman na si Gerie Chua kasama ang kanyang pamilya pati na rin ng ilang executives ng SM.

Sa kanyang speech, binalikan ni Mr. Gerie kung paano nagsimula ang Eng Bee Tin Chinese Deli, ang mga pinagdaanan niyang matitinding pagsubok sa negosyo hanggang sa paglago nito.

Sa ngayon ay kinikilala na ito bilang number 1 Filipino-Chinese Delicacy Brand sa buong Pilipinas.

Ayon pa sa matagumpay na negosyante, isa sa pinagkakautangan niya ng loob sa success ng kanilang pamilya ay si Cory Quirino dahil ito raw ang kauna-unahang nag-interview sa kanya at nagtampok sa kanyang negosyo da telebisyon.

Mensahe naman ni Yorme sa lahat ng dumalo at nakisaya sa National Hopia Day, “Congratulations sa event na ito! Sa mga bumubuo, sa staff, sa organizers congratulations sa inyong lahat!

“Sa lahat ng hopia maker, you have now a day in 365 days of the year we now call National Hopia Day,” aniya pa na talagang sarap na sarap sa mga nilafang na hopia sisig.

Aliw na aliw naman si Diana nang makasama siya sa ceremonial slicing and eating ng giant hopia ube ng Eng Bee Tin kasama ang kanyang asawa at mga anak. Aniya, favorite meryenda raw talaga niya ang hopia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang National Hopia Day ay ginanap mula July 19 hanggang 21 sa SM MOA. Nagkaroon din sila ng iba’t ibang games kung saan ang premyo ay ang mga nagsasarapang mga hopia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending