Waiter pinatayo ng 2 oras ng customer dahil tinawag siyang 'SIR'

Waiter pinatayo ng 2 oras ng customer dahil tinawag siyang ‘SIR’

Ervin Santiago - July 22, 2024 - 04:09 PM

Waiter pinatayo ng 2 oras ng customer dahil tinawag siyang 'SIR'

Photo from Facebook

VIRAL na ngayon ang isang Facebook post tungkol sa isang waiter na pinatayo umano ng dalawang oras ng isang customer matapos siyang tawaging “SIR.”

Nabasa namin ang post ng isang FB user na nagngangalang John Calderon sa pamamagitan ng account ni Jayson Magsigay, na nagsabing nangyari ang insidente kahapon, July 21, dakong 6 p.m.

“Hello! Ikaw ba ang nagpatayo ng empleyado sa Ulli’s Ayala Center Cebu ng dalawang (2) oras dahil tinawag ka ng server mula sa Ulli’s na ‘Sir’?

Baka Bet Mo: Candy naiyak nang matupad ang hiling na maging altar server si Quentin

“Napakalinaw ng alaala ko dahil kasama ko ang mommy ko mula 4 PM sa Ayala Center Cebu, pagkatapos bumaba kami sa elevator malapit sa Leylam at nakita namin itong empleyado na parang nagmamartsa mula 6 PM.


“Akala ko talagang may-ari ka at may pinag-uusapan lang kayo ng empleyado kaya binalewala namin at nagpatuloy sa paglalakad sa Ayala. Hindi ako mapalagay at sinabi ko sa mommy ko na halos 2 oras na nakatayo ang server sa ganitong posisyon at nakaharap kay Jude Bacalso.

“Kaya ako na ang nakialam at tinanong si Jude kung ano ang nangyari, kung siya ba ay may-ari o kustomer. Sagot ni Jude nang sarkastiko, ‘Go ask him (tinutukoy ang server) what happened.’

“Pagkatapos tinanong ko ang server kung ano ang nangyari at sinabi niya, ‘Natawag ko siyang sir,’ pagkatapos dinala ko ang server papunta sa kanilang staff room, at dito na siya humagulgol at nag-panic attack,” aniya.

Patuloy pa niya, “Noong mga oras na iyon, may mga kustomer na kumakain at kitang-kita na ang server ay nakatayo ng 2 oras ngunit walang nagtanong kung bakit at ano ang nangyari.

Baka Bet Mo: Toni tinalakan ng netizens dahil sa pambabastos ni Alex sa waiter: ‘Kastiguhin at turuan mo ng leksyon ang kapatid mo!’

“Ang iba pang mga empleyado sa Ulli’s ay sinubukan nang konsolohin ang server pero hindi umalis si Jude dahil lang sa nagkamali ang server sa pagtawag sa kanya.

“Ayon kay Jude, may tanong siya sa server na hindi nasagot at sinabi ni Jude na, ‘Aw you will be standing there until makatubag ka sa akong pangutana.’ Hindi ko alam ang eksaktong tanong pero siguro ito ay may kinalaman sa pronouns at pagkakamali sa gender.

“Para sa konteksto, nag-sorry na ang server pati na rin ang mga empleyado kay Jude pero hindi pa rin niya pinalis ang server. Walang manager sa Ulli’s Ayala Center Cebu at ilang empleyado ang umiyak dahil wala silang magawa.

“Kung hindi kami dumating ng mommy ko at hindi kami nakialam, hindi titigil ang pagtayo ng server na nakaharap kay Jude Bacalso. Gusto ko lang itanong—sino ka ba para magpatayo ng tao dahil lang sa pagkakamali na iyon?


“Wala kang karapatang tratuhin ang mga tao ng ganito dahil sa pagkakamali lang. Maraming tao ang dumaan sa Ulli’s malapit na sa entrance/exit. Kahit sino pa, mahirap o mayaman, wala kang karapatang gawin iyon dahil tao rin sila.

“Alam mo rin kung saan ka nagsimula, huwag tayong magmataas. Hindi ko lang talaga na-video dahil nakatutok ako sa server na umiiyak.

“Bukod pa rito, ikaw ba ay nagsasalita para sa LGBTQ? Para sa simpleng pagkakamali ng server, ganito ba ang gusto mong ipakita? Ako mismo ay bahagi ng LGBT at ikinakahiya kita sa ating komunidad dahil sa pagyurak mo sa karapatan ng tao. Pinapanawagan ko ito at hinihingi kong panagutin ka sa iyong mga aksyon.

“Kahit saan tayo magkita, hindi kita aatrasan. Bigla ka na lang nawala kung saan ka nakaupo, dapat nandoon ka para ayusin ito,” ang buong post na nabasa namin sa FB.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maraming nagpasalamat sa nag-upload ng litrato sa FB at nakisimpatya sa nangyari sa waiter. Bukas ang BANDERA sa paliwanag ni Jude Bacalso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending