Candy naiyak nang matupad ang hiling na maging altar server si Quentin | Bandera

Candy naiyak nang matupad ang hiling na maging altar server si Quentin

Ervin Santiago - July 14, 2021 - 02:51 PM

IYAK nang iyak ang veteran comedienne na si Candy Pangilinan nang makatanggap ng sandamakmak na mensahe mula sa netizens patungkol sa hiling niya na maging altar server ang anak na si Quentin.

Kuwento ni Candy, hindi niya inaasahan ang pagdagsa ng napakaraming message of support para sa kanilang mag-ina mula nang ibahagi niya sa social media ang litrato ni Quentin na gustung-gusto raw maging altar server. 

Mas lalo pa raw naiyak ang aktres nang mismong ang head ng mga altar servers sa Our Lady of Mt. Carmel Church ang nagsabo sa kanya na handa silang i-train si Quentin para maging kagrupo nila sa simbahan.

Sa unang IG post ni Candy makikita ang pag-attend nila ng novena mass sa Our Lady of Mt. Carmel Church kung saan makikita si Quentin na kahilera sa upuan ang mga altar servers. 

“He couldn’t stop himself to join the altar boys kahit nakiki-sit in lang siya. The boys are so generous enough to make him stay with them.

“I was so touched with the kuya lay ministers, who called him, siguro naawa. They told him to wear polo and black pants so he join the lay ministers pew,” ang caption ng komedyana sa mga litrato ng anak sa loob ng simbahan.

Dito, nasabi rin ni Candy na sana’y may makilala silang tao na maaaring makapagturo kay Quentin kung paano maging altar server. At ilang oras lamang ang lumipas ay sunud-sunod na ang nag-message sa aktres.

Sa sumunod na post ni Candy sa Instagram, makikita na si Quentin na may Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) and Autism Spectrum Disorder (ASD), sa kanyang first training day. 

Pinasalamatan ng komedyana ang lahat ng nagpadala ng mensahe sa kanya, “Naluluha ko pong ikinuwento sa mama ko na marami ang nanalangin at gusto tumulong kay Quentin. Ang ending, kami ang naiyak sa kabutihan ng inyong mga puso.

“Sa dami ng messages niyo, pumayag na po ang pinuno ng altar server ng aming parokya na turuan si Quentin. Praise God talaga,” mensahe pa niya.

May isang panayam kay Candy kung saan sinabi inilarawan niya ang anak bilang “ticket” niya patungong langit, “Maraming nagtatanong sa akin, kung uulitin ko raw ang buhay ko, kung okay lang na si Quentin ulit ang maging anak ko, yes. Ayos lang. Okay lang. Tanggap ko na. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Parati ko ngang sinasabi na Quentin is my ticket to heaven, and I think more than na binago ko ang buhay ni Quentin, I think binago ni Quentin ang buhay ko,” pahayag pa ng celebrity mommy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending