Karylle na-touch kay Vice matapos magtanggal ng wig on-air

Karylle na-touch, naantig kay Vice matapos magtanggal ng wig on-air

Pauline del Rosario - July 20, 2024 - 02:24 PM

Karylle na-touch, naantig kay Vice matapos magtanggal ng wig on-air

PHOTOS: Instagram/@anakarylle, screengrab from YouTube/GMA Network

MALIBAN sa mga nakasaksi at nakanood ng viral video ni Vice Ganda na nagtanggal ng wig on-air sa noontime show na “It’s Showtime,” tila inamin din ni Karylle na bumilib siya sa ginawa ng co-host.

Sa Instagram, ibinandera ni Karylle ang kanyang kuha na video habang nasa likod nina Vice at Jhong Hilario.

“SOMETIMES, the simplest acts of love have the longest lasting impact,” panimulang caption ng aktres sa post.

Pagbubunyag niya rin, “Of course though simple, it took Vicey years to get to this level of comfort to give comfort to someone who needed it the most.”

“The moment I saw you loosening the straps, I knew you were getting ready for this life changing moment for April,” chika pa ni Karylle.

Aniya pa, “It’s beautiful to witness this kind of beauty. My heart is so happy.”

Baka Bet Mo: Vice Ganda sa guest na may alopecia: May nagmamahal sa ‘yo

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Karylle (@anakarylle)

Sa comment section, maraming netizens ang sumang-ayon sa aktres at naiyak sa ginawa ni Vice para sa guest ng “ExPecially For You” segment.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Naiyak kami ng anak ko habang pinapanood si Meme na alisin ‘yung wig niya. Nakaka-touch talaga.”

“Nakakaiyak talaga showtime di ko namamalayan natulo na pala luha ko gawa ng ginawa ni meme vice na alisin ang wig niya. Nagpakatotoo siya para maging lakas ng mga taong may sakit na kagaya sa kanya. Mas lalo kitang naging IDOL Vice Ganda.”

“Drawing strength from your own weakness [red heart emoji] labyu meme”

“Very moving! Nice gesture Vice!!! Salute!!!”

“Made me tear up! So touching!”

Magugunitang naging emosyonal ang Unkabogable Star matapos marinig ang kwento ng searchee na si April na may alopecia at ang dating kasintahan nito na si Andrei.

Kwento ng dalawa kina Vice, naging maganda naman ang pagsasama ng dalawa sa loob ng 11 months ngunit nagdesisyon raw si April na tapusin ito dahil sa kanyang mga pinagdaraanan.

Isa kasing working student si April at kasabay nito ang pag-aalaga sa inang may sakit at bukod pa rito ay nagluluksa pa siya sa sa pagkamatay ng kanya ama last year.

Isa rin sa malaking dahilan kaya siya nakipaghiwalay ay dahil sa pagkalagas ng kanyang buhok dahil sa alopecia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pinalakas naman ni Vice ang loob ng dalaga at sinabing darating rin ang taong tatanggap sa tunay na siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At para bigyan ng pag-asa at inspirasyon si April ay buong tapang na tinanggal ni Vice ang kanyang wig para bigyang lakas at kumpiyansa ang kanilang guest.

Umiiyak na sabi pa ng komedyante, “In time. Huwag kang magmadali, in your time. This is not for me, but for people like you. Kung makakapagbigay ako sa inyo ng kahit katiting lang na lakas, ‘di ko pagdadamot ‘yun. Para ‘to sa mga taong tulad mo.

“In time, matatanggal n’yo rin ‘yan. No pressure. In your time, kapag handa na kayo,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending