SB19, BINI muling pinatunayan ang magic sa Nasa Atin Ang Panalo concert
MULING pinatunayan ng SB19 at BINI ang kanilang matinding powers at magic sa matagumpay na “Nasa Atin Ang Panalo” concert na ginanap sa Araneta Coliseum last July 12.
Talaga namang literal na dumagundong ang Big Dome dahil sa napakalakas na tilian at palakpakan ng mga fans sa bawat pasabog na performance ng SB19 at BINI pati na rin sa iba pang OPM artists na nakisaya sa naturant musical event.
Ang naganap na thanksgiving concert ay mula sa Puregold na talagang pinagsama-sama sa isang gabing hindi malilimutan ng mga fans mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
Baka Bet Mo: Rico Blanco susugal sa pagko-concert muli sa Araneta Coliseum: I’m happy to take on that risk…
Nakasama rin sa concert ang Sunkissed Lola, sina Flow G at Gloc-9. Naging front act naman ang Letters from June, Esay, and Kahel.
View this post on Instagram
Pero ang talagang paandar sa gabi ng concert ay ang collaboration ng mga featured artists na sinimulan ng BINI with their hit songs “Lagi,” “Salamin Salamin,” at “Pantropiko.”
Sa gitna ng “Salamin Salamin” performance ng BINI ay biglang umentra sa stage si SB19 Justin at nakisayaw sa grupo.
“Sobra akong kinabahan kasi finally nag-debut na ako sa isang girl group. Hello po! BINI Justin po. Bye SB, salamat,” ang birong chika ni Justin na sinundan ng malakas na hiyawan mula sa audience.
Baka Bet Mo: Chito muling napatunayan ang pagiging wais na misis ni Neri: Bilib na bilib na talaga ‘ko!
Nang humataw naman ang SB19 sa stage, bumalik sa eksena ang BINI members at nakisayaw sa “Gento” performance ng super P-pop group.
Bukod sa “Gento” kinanta rin ng SB19 ang “Moonlight,” “I Want You,” “Mapa,” “Liham,” at “Crimson.”
View this post on Instagram
Before performing their last piece of the night, the 5-member boy group also announced that their highly-anticipated “Pagtatag!” documentary would have a nationwide theatrical release on August 28, 2024.
Kinanta rin ni SB19 Stell ang “Pasilyo” during SunKissed Lola’s performance, while Felip, Pablo, and Josh joined rapper Flow G during his “High Score” performance.
May pasorpresa rin Flow G sa kanyang production number nang tawagin niya sa stage ang kapwa Ex Battalion member na si Skusta Clee at ang Philippine rap icon na si Gloc-9.
On the concert’s success, Puregold President Vincent Co expressed his pride and gratitude, “The Nasa Atin Ang Panalo Thanksgiving concert marks another significant milestone for Puregold.
“Celebrating 25 years of success and 500 stores, we have also forged a path for others to create their own Panalo stories. This event is our way of showing appreciation to our loyal shoppers and the community that helped us get here,” pahayag pa ni Vincent Co.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.