‘Cherry on Top’ ng BINI pak na pak, no. 1 trending sa YouTube

‘Cherry on Top’ ng BINI pak na pak, no. 1 trending sa YouTube

Pauline del Rosario - July 12, 2024 - 09:54 AM

‘Cherry on Top’ ng BINI pak na pak, no. 1 trending sa YouTube

PHOTO: Instagram/@bini_ph

UMARIBA sa social media ang music video ng “Cherry On Top,” ang newest single ng nation’s P-Pop girl group na BINI.

Paano ba naman kasi, wala pang apat na oras ay umani na ito ng mahigit one million views!

Ang masayang balita ay ibinandera mismo sa Instagram page ng grupo noong July 11 ng gabi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BINI_ph (@bini_ph)

Baka Bet Mo: Karen Davila sa BINI: ‘OMG ang babait! Tama lang na iniidolo niyo sila!’

Pero nang tiningnan namin muli ngayong umaga, July 12, ang MV ng girl group, nako, lalo pa itong bumongga dahil wala pang isang araw ay top trending na ito sa YouTube!

Yes, yes, yes mga ka-BANDERA unang-una na sila sa listahan ng “Trending for Music!”

At as of this writing, mayroon na itong mahigit 2.2 million views!

Oh ‘diba, palaban talaga ang BINI at maraming fans ang nagbubunyi sa kanilang latest milestone.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“You deserve it girls, you did everything you could,We are very proud of you girl’s blooms we will always support you [cherry, red heart emojis]”

“Grabe talagaaa mga blooms!! [fire emoji]”

“No. 1 trending music EYYYYYYY [call me hand sign emojis] CONGRATS BABIESS!!!! EYY”

“More recognitions and achievements to come sa inyong walo [red heart emoji] “

“Congrats, deserve much [red heart emoji]”

Para sa mga hindi masyadong aware, nakipag-team up ang BINI sa ilang sikat na K-Pop producers upang mabuo ang “Cherry On Top.”

Nakipag-collaborate sila kina Skylar Mones at Shintaro Yasuda.

Nakasama na ni Skylar ang K-Pop boy group na EXO sa kantang “No Matter,” pati na rin ang sikat na Korean pop girl group na Red Velvet para sa single na “Better Be.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang si Shintaro naman ay nasa likod ng kantang “Antifragile” ng K-Pop girl group na Le Sserafim.

Ang bagong single ng BINI ay magiging parte ng upcoming album nila, bukod pa sa Ilang inaabangang international music, ayon sa rebelasyon ng ABS-CBN Music head na si Roxy Liquigan.

Katatapos lang ng “BINIverse: The First Solo Concert” last month, pero magkakaroon ulit sila ng concert sa darating na October 4 na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending