Monsour del Rosario lapitin ng mga babae, pero may tinatanggihan din
WALANG kagatul-gatol na inamin ng actor-athlete na si Monsour Del Rosario na totoong lapitin siya ng mga babae noong kabataan niya.
Hindi naman daw niya ito itinatanggi pero nilinaw niya na hindi lahat ng lumalapit sa kanya ay ine-entertain niya, meron din naman daw siyang “hinihindian.”
Baka Bet Mo: Monsour nirerespeto ang pagbibitiw ni Ping sa Partido Reporma; may balak pa kayang bumalik sa showbiz?
First time mag-guest ni Monsour sa “Fast Talk with Boy Abunda” at isa nga sa mga naitanong sa kanya ay kung ang mga kababaihan mismo ang nagpaparamdam kapag type na type siya.
View this post on Instagram
Ayon sa Pinoy Taekwondo legend at “Black Rider” actor, hindi naman maikakaila ang katotohanan na malakas talaga ang dating ng mga atleta dahil sa taglay na confidence ng mga ito.
“There’s an x-factor especially if you’re a champion and if you’re a star I mean if you are good-looking,” pahayag ng aktor.
Ngunit aniya, “But even if you’re not and if you have that confidence, the aura of being a champion and you have the track record of being good at something world-class.
Baka Bet Mo: Boy Abunda umamin kay Jessica Soho: ‘Takot na takot along malaos…noon’
“Asian level, world level, southeast Asian level, there’s a confidence that without you trying to make it come out, it just shows because of the years of training and accomplishments,” ang paniniwala ng action star.
View this post on Instagram
Patuloy pa niya, “As an actor, it is the same thing, if you succeed in the film industry, your movies make money, they become a box-office hit, and there’s some kind of air that you know you are accepted and liked.”
Sundot na tanong ni Tito Boy kay Monsour, “Gaano ka kalapitin ng mga babae noon?”
“One to ten, siguro mga eight. Kasi wala e, talagang may height ka, fit ka, fighter ka pa, tapos celebrity ka,” sagot ng aktor.
“Humihindi ka rin noon?” ang next na question sa kanya ng King of Talk.
Mabilis na sagot ni Monsour, “Oo naman. Siyempre hindi naman lahat ng nakakausap mo e, type mo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.