Chris Tiu umaming torpe sa girls: Hindi ako marunong dumiskarte

Chris Tiu umaming torpe sa babae: Hindi ako marunong dumiskarte!

Ervin Santiago - May 19, 2024 - 07:55 AM

Chris Tiu umaming torpe sa babae: Hindi ako marunong dumiskarte!

Chris Tiu. | PHOTO: Official Instagram of Chris Tiu / @chris_tiu17

MATINIK at mabilis din ba pagdating sa mga babae ang TV host at basketball player na si Chris Tiu tulad ng iba pang sikat na cagers?

Yan ang isa sa mga naitanong kay Chris sa pagsalang niya sa hot seat ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Biyernes, May 17.

Baka Bet Mo: Pelikula nina Bong, Coco, Robin at Lito pinaghahandaan na para sa MMFF 2024

Iniisip kasi ng karamihan na dahil sa kaguwapuhan at husay ng “I-Bilib” host sa paglalaro ng basketball ay lapitin din siya ng kababaihan pati na rin ng mga beking nagpapantasya sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chris Tiu (@chris_tiu17)


Tanong ni Tito Boy kay Chris kung totoo ba para sa kanya ang kasabihang “kapag basketbolista, matinik sa babae.”

“Torpe ako eh, hindi ako marunong dumiskarte,” ang natatawang sagot ni Chris.

Sundot na tanong sa Kapuso TV host, kung lapitin ba siya ng mga babae, “Parang hindi naman eh, bakit hindi ko naramdaman ‘yun? Ha-hahaha! Siguro may konti, a few.”

Pag-amin ni Chris, ang palagi niyang sinasabi sa mga babaeng kumakausap sa kanya noon ay may girlfriend na siya.

Baka Bet Mo: Herlene naloka sa pagbeso ni Beauty: Akala ko mababahuan siya sa hininga ko

“But I think they don’t gravitate towards me if parang feel nila hindi rin ako ‘yung type that will entertain siguro,” paliwanag ni Chris.

At kapag daw may mga namimilit na sa kanya, dinededma na lamang niya ang mga ito dahil alam niyang siguradong magkakaproblema kapag in-entertain pa niya ang mga ganoong senaryo.

Nagkomento rin si Chris sa mga nagsasabing isa siyang “perfect man”. Aniya, hindi iyon totoo dahil may mga nagawa rin naman siyang mga pagkakamali sa kanyang buhay.

“I don’t know if it’s good that they think of me that way, but ako personally, I’m far from that. And I’m constantly trying to improve and to get better.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chris Tiu (@chris_tiu17)


“Marami akong faults, flaws and things that I’m working on and struggling with. I’m not sure if I want people to think I’m perfect because I’m far from that. But I guess, thank you,” sey pa ni Chris Tiu.

Naging bahagi si Chris ng Ateneo Blue Eagles noong nasa college pa siya habang taong 2012, nang mapasama siya sa 2012 PBA Rookie Draft at nakuhang player para sa Rain or Shine Elasto Painters.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong January, 2019 ay in-announce niya ang kanyang retirement mula sa mundo ng professional basketball.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending