Boy Abunda umamin kay Jessica Soho: ‘Takot na takot along malaos…noon’
WALANG kagatul-gatol na inamin ng award-winning King of Talk na si Boy Abunda na totoong takot na takot siyang malaos.
Ayon kay Tito Boy, may mga pagkakataon talaga sa kanyang buhay na nakakaramdam siya ng fear kapag naiisip niya ang araw na hindi na siya pinapanood ng mga tao.
Sa week-long birthday celebration ng premyadong TV host sa programa niyang “Fast Talk with Boy Abunda” ng GMA 7, game na game niyang sinagot ang ilang personal questions.
Siya naman ang sumalang sa hot seat ng “Fast Talk” last Friday, October 27, at ininterbyu ng award-winning brodcast journalist at TV host na si Jessica Soho.
“Didiretsuhin kita, magkaibigan naman tayo eh. Takot ka bang malaos?” ang isang maintrigang tanong ni Jessica kay Tito Boy.
“Dati takot na takot akong malaos, pero hindi na masyado,” ang mabilis na sagot ng premyadong TV host at talent manager.
View this post on Instagram
Aniya, sa librong tinatapos niya ngayon ay may isang chapter daw kung saan tinalakay ang tungkol sa isyu ng pagkalaos.
“The one immutable law in the business is that nothing lasts forever. We will all go,” sabi ng Kapuso TV host.
“Pero less ‘yung sakit ng pagiging laos in the context of the fame business kung panghahawakan mo sa sarili mo ‘yung worth mo,” dugtong pa niya.
Sa tanong ni Jessica kung ano ang maibibigay niyang message sa 34-years-old na Boy Abunda, ang kanyang tugon, “Be healthy, be happy, and be sexy. And do not ever be afraid.”
Samantala, sa isang bahagi ng programa, ay tinanong din ni Tito Boy si Jessica kung ano ang mensahe nito sa kanyang 20-anyos na sarili.
“Relax ka lang. Masyado kang serious. Ever since, serious student din ako, Boy, katulad mo.
“Parang lahat, sineseryoso, kahit ‘yung mga simpleng bagay, so sana mas relaxed ako na tao,” tugon ni Jessica.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.