Puntod ni Rico Yan, ginawang tourist spot?

Puntod ni Rico Yan, ginawang tourist spot?

Therese Arceo - July 10, 2024 - 04:56 AM

Puntod ni Rico Yan, ginawang tourist spot?

VIRAL ngayon ang mga larawan ng ilang netizens na bumisita sa puntod ng yumaong matinee idol na si Rico Yan sa Manila Memorial Park.

Sa unang tingin ay tila wala namang isyu ang pagdalaw ng mga ito ngunit nang bigla na lamang dumami ang mga taong dumadalaw at nagpapa-picture sa puntod ay tila ginawa na itong tourist spot ng mga tao.

Ang malala pa nga ay ina-upload pa ng mga ito ang larawan na kuha sa puntod ni Rico sa social media na siyang ikinabahala ng ilang netizens.

Sa katunayan, marami nang mga video sa TikTok kung saan highlight ang mga larawan ng netizens na naka-pose pa sa tabi ng puntod ng namayapang artista.

Baka Bet Mo: Rico Yan inalala ng kapatid ngayong Good Friday

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kaya naman agad na umani ng samu’t saring komento at reaksyon mula sa mga netizens ang naturang mga larawan ng mga ito sa puntod ni Rico.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang mga larawan. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“ginawang kapamilya si rico,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Anong trip ng mga tao? Pati namatay ginagawang clout.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“kapal ng pagmumukha kala mo naman kamag anak ni rico,” sey naman ng isa.

Marami rin ang nananawagan na madlang pipol na sana’y tantanan na ang aktor at patahimikin na ang kaluluwa nito dahil matagal na itong yumao.

Samantala, wala pa namang pahayag ang pamilya ni Rico tungkol sa viral TikTik videos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending