Claudine Barretto 'always and forever' ang pag-ibig kay Rico Yan

Claudine Barretto ‘always and forever’ ang pag-ibig kay Rico Yan

Therese Arceo - March 30, 2024 - 06:49 PM

Claudine Barretto 'always and forever' ang pag-ibig kay Rico Yan

MULING inalala ng aktres na si Claudine Barretto ang yumaong aktor at dating kasintahan na si Rico Yan kahapon, March 29, Good Friday.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi nito ang video clip mula sa kanyang interview noon kay Karen Davila at ang mga larawan nila noon ni Rico.

Caption ni Claudine sa kanyang post, “March 29 My heart stopped.”

May hashtag rin na ito na “#alwaysandforever”.

Mapapanood sa reel na ibinahagi niya  ang tanong kung bakit every year ay dumadalaw siya sa puntod ng dating karelasyon.

“Because he is a big part of my life,” sagot ni Claudine.

Aniya, isa raw sa mga ipinakiusap noya sa mga fans nila ay ang huwag kalimutan si Rico.

Baka Bet Mo: Claudine na-miss si Julia, super happy sa naging bonding sa party ni Mr. M

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“And I’m also thankful ang grateful that talagang up to this day talaga, uhm, they honor him, they celebrate him. And that’s all,” sabi pa ni Claudine.

Nasabi rin nito na si Rico ang kanyang “one great love.”

“I realized, you know, uhm, in your life, sabi nila, you just have one great love, right?” sey ni Claudine.

“Parang ganyan. So, ako, feeling ko, ang once upon a time… once upon a time lang talaga,” pagpapatuloy pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang 22 years na ang nakalilipas buhay nang pumanaw si Rico. Nangyari ito noong Biyernes Santo, March 29, 2002 dahil sa acute hemorrhagic pancreatitis.

Nangyari ito habang nagbabakasyon sila sa isang resort sa Puerto Princesa, Palawan.

Natagpuan na lang raw ni Dominic na walang buhay ang kanyang kaibigan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending