Rico Yan inalala ng kapatid ngayong Good Friday

Rico Yan inalala ng kapatid ngayong Good Friday

Therese Arceo - March 29, 2024 - 06:46 PM

Rico Yan inalala ng kapatid ngayong Good Friday

MULING inalala ni Tina Marie Yan ang pagpanaw ng kanyang kapatid na si Rico Yan ngayong Biyernes Santo.

Matatandaang noong March 29, 2002 , Good Friday, nang matagpuang walang buhay ang aktor habang nagbabakasyon ito kasama ang mga kaibigan sa isang resort sa Puerto Prinsesa, Palawan.

Pumanaw si Rico sa edad na 27 years old.

At ngayong death anniversary ng binata ay nagbalik tanaw si Tina at muling inalala ang panahong nabalitaan niyang patay na ang nakababatang kapatid.

Baka Bet Mo: Dominic Ochoa sa sikretong relasyon daw nina Rico Yan at Sabrina M: ‘Walang ganu’n’

Ito ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram page kalakip ang larawan niya kung saan makikita sa likod niya ang picture fram ni Rico.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Today happens to be the same day Rico left 22 years ago, on Good Friday. I can’t help but re-live that painful moment,” saad ni Tina.

Pagbabahagi niya, nasa San Francisco, California, USA siya noong mabalitaan niya ang malungkot na balita.

“I spent the whole day on Good Friday in the U.S. Immigration office to get my travel parole so I could rush home,” pag-alala ni Tina sa kanyang pinagdaanan para makauwi lang at makita si Rico.

Ang pag-uwi nga raw niya noong araw na ‘yun ang pinakamahabang byahe para sa kanya.

“And upon arriving Manila to face everything head on, the void was just too real,” sey pa ng kapatid ni Rico.

Nagdulot na mga raw ng sugat sa kanya ang nangyari at hindi na niya ito malilimutan sa tuwing sasapit ang Biyernes Santo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Labis na nga raw niyang nami-miss si Rico at ang mga memories nila together.

“God knows how much I miss—all the laughs the chats, the video games, the midnight snack time and fine, all the pranks and flying kicks to my face too.

“Keep on watching over us here!” mensahe ni Tina kay Rico.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending