Claudine super happy sa naging bonding sa party ni Mr. M

Claudine na-miss si Julia, super happy sa naging bonding sa party ni Mr. M

Pauline del Rosario |March 21,2024
facebook
share this

Claudine na-miss si Julia, super happy sa naging bonding sa party ni Mr. M

Pauline del Rosario - March 21, 2024 - 12:51 PM

Claudine na-miss si Julia, super happy sa naging bonding sa party ni Mr. M

Claudine and Julia Barretto

MASAYANG-MASAYA ang aktres na si Claudine Barretto sa bonding moments nila ng pamangkin na si Julia sa isang event recently.

Kung maaalala noong March 16, pinusuan at ni-like ng maraming netizens ang ilang pictures at videos ng magtiyahin na sweet na sweet sa tribute party ng star builder na si Johnny Manahan o mas kilala bilang Mr. M.

“I’m really, really very happy kasi nagkakitaan kami,” pag-amin ni Claudine sa uploaded interview ng entertainment reporter na si Anna Cerezo.

Kwento pa niya, “Parang the last [na nagkita kami] was Zsazsa Zaturnnah…kapag may family gathering, magki-kiss lang, magbibigay-pugay lang siya, and you know, kung magkasama man kami sa isang table, hindi kami nakakapag kwentuhan talaga.”

Sinabi rin ni Claudine na naiintindihan naman niya kung bakit umiiwas noon sa kanya ang pamangkin.

Baka Bet Mo: Kim Chiu proud tita sa 3 pamangkin na nagtapos ‘with honors’: I wanna cry na…parang ako yung nagluwal!?

Nabanggit din niya na hindi naman pinagbabawalan ng kanyang kapatid na si Marjorie na magkasama sila ni Julia.

“Siyempre alam naman niya siguro na may tensyon pa. Civil naman kami ng ate ko, ni Marjorie, siyempre mommy niya ‘yun. Hindi siguro siya komportable na hindi kami komportable sa isa’t-isa pa,” sey niya.

Chika niya, “So ‘nung night na ‘yun, there was a time that we were able to really spend time.”

Kasabay niyan, inamin din ni Claudine na na-miss niyang maka-bonding at magkaroon ng quality time kasama si Julia.

“Talagang na-miss ko ‘yung hugs, ‘yung mga kisses, ‘yung mga ganyan. Although hindi siya pinigilan ng ate ko na you can’t be close to her,” ani niya sa panayam.

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magtiyahin noong kasagsagan ng away ng Barretto sisters, kabilang na ang gulong nangyari sa burol ng kanilang ama.

Nagkampihan sina Claudine at Gretchen Barretto laban sa sisteraka nilang si Marjorie kaya nadamay nga ang anak nitong si Julia.

Mas lalo pang nag-apoy ang isyu nang tila kampihan nina Claudine at Gretchen si Bea Alonzo nang sumabog ang chika na si Julia umano ang dahilan ng paghihiwalay nina Bea at Gerald Anderson.

Nag-post pa si Claudine noong March 10, 2021 sa kanyang Instagram ng isang cryptic post na pinaniniwalaang para kay Julia.

“I would rather be known in life as an honest sinner than a lying hypocrite,” ang sey ni Claudine na nagpadala pa nga ng flowers kay Bea matapos umaming hiwalay na sila ni Gerald.

Ngunit noong May 2023 nang nagpa-interview si Claudine sa “Fast Talk with Boy Abunda” at sinabing okay na silang magkakapatid at wala na rin silang tampuhan ni Julia.

“We’re good. She’s very busy, I’m very busy. I think the last time I saw her was last March before her birthday. Pag may family events pa kami, pag may birthday, kunyari sa birthday ng Kuya Mito ko, we see each other,” sey ng batikang aktres kay Tito Boy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dugtong pang sabi ni Claudine, “I’m very, very proud. I’ve seen Expensive Candy (pelikula ni Julia with Carlo Aquino). I’m proud of whatever she’s achieving now and I would just want her to have more breaks para ma-showcase yung acting niya talaga.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending