Yi Young Park nanakawan sa BGC, netizens hiyang hiya

Yi Young Park nanakawan sa BGC, netizens hiyang hiya

Therese Arceo - July 09, 2024 - 09:18 PM

Yi Young Park nanakawan sa BGC, netizens hiyang hiya

VIRAL ngayon ang Instagram post ng South Korean football player na si Yi Young Park tungkol sa kanyang naranasang pickpocket incident habang siya ay nasa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig.

Ibinahagi ng South Korean footballer ang isang video kalakip ang kwento ng kanyang karanasan kung saan anim na babae raw ang nakapalibot sa kanya at tila sinasadyang harangan siya sa kanyang paglalakad.

Kuwento pa ni Yi Young, mayroon rin daw lumalapit sa kanya pagkatapos ay bigla na lang magpupulasan. Dahil dito ay tinignan niya ang lagay ng kanyang bag at dito napag-alaman na bukas na ito.

“So I checked my bag immediately and it was too late. the zipper was opened… they had stolen my wallet,” saad ng Korean footballer.

Pagpapatuloy ni Yi Young, “They were moving further away but still visible to me. They suddenly dispersed in three groups in different directions. So I could only chase one group. I caught up with a group and asked for my wallet back. They started making loud noises, asking me if I was crazy.”

Baka Bet Mo: Korean star Kim Ji Soo mapapalaban kina Ruru at Yassi sa ‘Black Rider’

Sinabi rin daw ng mga babae na hindi nila kinuha ang nawawalang pitaka ni Yi Young.

Nahalata raw niya na guilty ang mga ito sa pagkuha ng kanyang wallet dahil overacting ang mga babae at bigla na lang nagalit.

Sinubukan rin daw ni Yi Young na humingi ng tulong sa isang securuty guard ngunit hindi rin ito nakatulong sa kanyang sitwasyon.

Kalaunan ay tila naawa na raw ang mga kumuha ng kanyang walley sa kanya at nagdesisyong iwan na lang ang kanyang wallet.

“I kept chasing. When we reached a place with few people, one of the accomplices told to another ‘just give his wallet back and let’s leave’ and I got my wallet back. After checking all the IDs and cards in my wallet, I started taking videos to leave evidence. Unfortunately, I was not able to check my cash inside of my wallet at that time, so some cash is still missing…” kwento pa ni Yi Young.

Nanawagan naman ang footballer na mag-ingat upang maiwasang maulit ang nangyari sa kanya.

“I hope that you all remain alert and careful that something like this never happens again. I got my wallet back and I’m safe. Thank you guys!! Be safe and aware of it,” sey ni Yi Young.

Sinabi rin niyang hindi niya sinisisi ang Pilipinas dahil kahit saang bansa ka naman daw pumunta ay mayroong mga magnanakaw.

“I don’t blame Philippines, this could happen anywhere in the world. I just hope that we learned something from this incident and will reduce the number of other victims. I still love Philippines, don’t worry,” sabi pa ni Yi Young.

Marami naman sa mga netizens ang nag-comment at humingi ng paumanhin sa hindi magandang karanasang na-experience ng Korean footballer.

“You are right. This can happen anywhere. Please be careful. You are right this should serve as a warning to some people/tourists too to be extra careful with their belongings,” saad ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment naman ng isa, “BGC is not safe unlike before. Thieves are drawn to this. Their assumption was that most individuals in BGC possess wealth or bring a significant amount of cash with them. Keep safe, bro.”

“so sorry this happened to you! but also, good thing you know how to react quickly so you can inform others. take care always!” hirit pa ng isa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending