MMA fighter talo na sa laban, tinanggihan pa ng GF ang proposal

MMA fighter talo na sa bakbakan, tinanggihan pa ng GF ang proposal

Ervin Santiago - July 08, 2024 - 07:50 AM

MMA fighter talo na sa bakbakan, tinanggihan pa ng GF ang proposal

Lukasz Bukovac at ang girlfriend na tumanggi sa kanyang marriage proposal

MALAS na nganga pa! Ganyan inilarawan ng mga netizens ang nangyari sa amateur mixed martial arts (MMA) fighter na si Lukasz Bukovaz.

Dalawang beses nakatikim ng “pagkatalo” si Lukasz na isang Czech Republic national sa loob lamang ng dalawang minuto.

Talunan ang MMA fighter sa naganap na two-on-one cage fight noong June 23 kasama ang kanyang partner na si Patrik Horvath laban kay Jan Michalek.

At kasunod nga nito, tinanggihan ng kanyang girlfriend ang marriage proposal ni Lukasz Bukovac kasabay ng akusasyon sa kanya ng pagiging cheater sa harap ng 20,000 katao na nasa audience.

Baka Bet Mo: Buhay ni Yassi sinagip ng pagboboksing at MMA; nakipaglaban sa matinding anxiety

Base sa nag-viral na video sa social media na unang ini-upload sa X (dating Twitter) ng user na may handle na @HappyPunch noong June 24, matapos matalo sa laban ay biglang lumuhod si Lukasz sa harap ng kanyang dyowa at inilabas ang dalang singsing.

Pero shookt ang MMA fighter nang mag-NO ang girl sa kanyang proposal. Kinuha pa raw ng GF ni Lukasz ang mikropono sa ring announcer para sabihin ang kanyang naging desisyon.

“Based on everything that’s happened, I think probably not. I’m saying no,” saad nito kasunod ang pagsasabing niloko siya ng dyowa dahil may ibang babae raw itong kinakalantari.

Baka Bet Mo: Buong lalawigan nagdiwang nang magka-GF ang isang klosetang politician

Ngunit sa halip na makuha ang simpatya ng crowd, malakas na “boo!” ang natanggap ng babae. Nilapitan pa ng isang miyembro ng team ni Lukasz ang girl at sinabuyan ng tubig.

Sa interview ng press kay Lukasz, dinenay niyang meron siyang ibang babae, “I didn’t really cheat on her.”

Ang viral video ng pagkatalo ng MMA fighter ay nakakuha na ng kulang-kulang 20 million views.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami kaming nabasang komento mula sa netizens na sana raw ay hindi nag-propose si Lukasz matapos matalo. Sey ng isang X user, “He could have saved it until he won a fight.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending