Buong lalawigan nagdiwang nang magka-GF ang isang klosetang politician Bandera

Buong lalawigan nagdiwang nang magka-GF ang isang klosetang politician

Den Macaranas |August 18,2021
share this

Buong lalawigan nagdiwang nang magka-GF ang isang klosetang politician

Den Macaranas |
Wacky Leaks
August 18, 2021 - 08:25 PM

Nabulabog ang buong lalawigan sa gitnang bahagi ng bansa makaraang umalingawngaw ang balita na may girlfriend na ang isang sikat na pulitiko sa lugar.

Hindi kasi nila sukat akalain na sa kanyang paglapit sa edad bilang senior citizen ay saka pa niya maiisipang muling manligaw at nagresulta naman ito ng pagsagot ng “OO” ng kanyang sinisintang celebrity.

Kalat kasi sa buong lalawigan ang pagiging “closeted” ni Sir kaya naman ang akala nila ay wala na talaga itong balak pa na muling pumasok sa isang seryosong relasyon.

Wala namang masamang ma-in love ang isang tao lalo’t kung tunay naman ang pag-ibig nila sa isa’t isa.

Isa ako sa natutuwa kay Sir dahil mahirap kayang tumanda nang nag-iisa.

At kahit hindi na magkaanak si Sir at ang GF niyang celebrity ay wala namang problema dahil may mga anak na rin naman ang kasintahan ng ating bida.

Sa panahon natin ngayon ay hindi na isyu kung ano ang gender preference ng mga pumapasok sa isang relasyon pero sa usapin ng moralidad ay mayroon pa ring nasasabi ang ilan.

You can’t please everyone ika nga kaya kahit na nagtaasan ang kilay ng ilang mga pulitiko sa bansa nang lumutang ang relasyon ni Sir sa isang sikat rin na personalidad ay wala raw silang pake.

Ang importante ay masaya sila sa piling ng isa’t isa kaya nga ang plano daw nila kung sakaling sure na nga sila na pang eternity na ang kanilang relasyon ay manirahan na sa lalawigan ni Sir.

Kailangan pa ba ng clue? Hindi na siguro dahil ang importante ay happy sila.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending