Barbie, David kilig overload sa pelikulang That Kind Of Love

BarDA kilig overload sa That Kind Of Love; premiere night star-studded

Ervin Santiago - July 07, 2024 - 12:50 AM

BarDA kilig overload sa That Kind Of Love; premiere night star-studded

Barbie Forteza at David Licauco

PINATUNAYAN nina David Licauco at Barbie Forteza na nag-umaapaw pa rin ang magic at karisma ng kanilang tambalan sa kanilang launching movie na “That Kind Of Love.”

Saksi kami sa pagsugod ng sandamakmak na BarDa fans sa ginanap na Red Carpet Premiere ng kanilang pelikula na ginanap sa SM Megamall Cinema 8 nitong nagdaang Huwebes, July 4.

Talagang sinuportahan sila ng kanilang mga tagasuporta sa kauna-unahan nilang pelikula na ipalalabas na ngayong darating na Miyerkules, July 10 sa mga sinehan nationwide.

Baka Bet Mo: Pagho-holding hands, kulitan nina Barbie at David off-cam kinakiligan; Bea umubra kaya sa mga pasabog ni Andrea?

At hindi lang mga BarDa fans ang nagpakita at nagparamdam ng pagmamahal sa Kapuso phenomenal loveteam kundi pati na rin ang mga kapwa nila Kapuso stars.

BarDA kilig overload sa That Kind Of Love; premiere night star-studded
Naroon sina Michelle Dee, Kelvin Miranda (na may special participation sa movie) Alice Dixson, Mikee Quintos, Jeric Gonzales, Rabiya Mateo, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, ang magdyowang sina Rhian Ramos at Sam Verzosa, Martin del Rosario at marami pang iba.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


At siyempre, present din ang iba pang cast members ng “That Kind of Love” sa premiere night – sina Kaila Estrada, Arlene Muhlach, Divine Aucina, Ivan Carapiet, at Jef Gaitan na pregnant ngayon at sinamahan pa ng kanyang asawang si Renz Fernandez.

In fairness, may karapatan sina David at Barbie pati na ng kanilang direktor na si Catherine Camarillo, na ipagmalaki sa buong universe ang kanilang pelikula dahil bukod sa maganda at interesting ang pagkakalahad ng kuwento, talagang kilig overload ang hatid ng BarDa sa manonood.

Baka Bet Mo: Barbie Forteza shookt sa pa-nipples ni David Licauco sa ‘Maging Sino Ka Man’: ‘Kasi akala ko wholesome na siya ngayon!’

Sa katunayan, talagang naghulaan pa kami ng mga kasamahan sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) kung ano ang magiging ending ng love story nina Mr. Perfect Adam de Dios (David) na CEO ng isang shipping company at love coach na si Mila (Barbie) dahil hindi predictable ang katapusan ng istorya.

Pinagtagpo ng tadhana ang dalawa at nagkasundong ihahanap ni Coach Mila ng partner si Sir Adam pero ang ending sila ang nagkainlaban. Ngunit may twists and turns siyempre na mangyayari sa kanilang love story na hindi na namin ikukuwento para walang spoiler.

Nakakaloka rin ang mga fans na tilian nang tilian sa mga pakilig na eksena ng BarDa lalo na nang mag-kiss na ang dalawa at nang mag-topless si David at bumandera ang kanyang 6-pack abs.

At walang kaduda-duda, hindi tinipid ang pelikula dahil karamihan sa mga eksena ay kinunan pa sa Seoul, South Korea, kabilang na ang sweet moments nina David at Barbie sa ilang lugar doon na madalas napapanood sa mga K-Drama.

Ayon sa ilang nakapanood ng “That Kind of Love” sa premiere night na nakachikahan namin, parehong magaling sina Barbie at David sa movie at naniniwala sila na masusundan pa ito ng maraming, maraming projects.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BarDa Official ✨ (@bardaofc)


Super happy din siyempre ang BarDa at ang buong production ng pelikula dahil sa magagandang feedbacks sa pelikula.

“Maraming, maraming salamat po to our friends from the press, sa atin pong mga nagbibigating mga artista na nandirito po ngayong gabi.

“Maraming, maraming salamat po to GMA, of course, to Sparkle for the support. Maraming, maraming salamat. Sana ay ma-in love tayong lahat sa That Kind of Love,” mensahe ni Barbie bago magsimula ang screening.

Ang “That Kind of Love” ay mula sa Pocket Media Productions, Incorporation at Pocket Media Films in cooperation with Happy Infinite Productions, Incorporation.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Released and distributed by Regal Entertainment, showing na sa lahat ng cinema sa bansa ang “That Kind of Love” sa July 10. Special thanks to Digital Out of Home, Inc..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending