Rhen Escaño may dyowang taga-showbiz, pero ayaw pangalanan

Rhen Escaño umaming may dyowang taga-showbiz, pero ayaw pangalanan

Ervin Santiago - July 03, 2024 - 06:00 AM

Rhen Escaño umaming may dyowang taga-showbiz, pero ayaw pangalanan

Rhen Escaño

PROUD na inamin ng sexy actress at action star na si Rhen Escaño na meron siyang boyfriend ngayon na taga-showbiz din.

Ibinandera ni Rhen na super happy siya ngayon dahil bukod nga sa maganda ang takbo ng kanyang showbiz career ngayon ay super masaya at colorful din ang lagay ng puso niya.

Ipinalabas na sa mga sinehan ang action-suspense movie niyang “Karma” at patuloy din siyang napapanood sa  teleserye ng TV5 na “Lumuhod Ka Sa Lupa” na pinagbibidahan ni Kiko Estrada.

Baka Bet Mo: Rhen Escano pahinga muna sa paghuhubad at paggawa ng love scene: Mananakot muna ako ngayon!

“Happy po ako kasi primetime na ang Lumuhod Ka Sa Lupa. Ang daming nangyayari sa career. Career-wise, lahat po talaga ng gusto kong mangyari, nangyayari ngayon. Kaya happy,” ang pahayag ni Rhen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rhen Escaño (@realrhen)


“At yung heart ko po is healthy and happy. And nandiyan siya, manonood siya,” dagdag pa niya tungkol sa kanyang dyowa.

Kinumpirma niyang taga-showbiz din ang kanyang boyfriend, “Sobrang low-key lang din niyang tao. Kilala niyo yon. He’s a good friend of mine, supporter. Well, ako rin naman, sa last film niya, nandu’n ako, nanood ako.”

Baka Bet Mo: Aktor nagdrama sa mga hindi tumatagal na relasyon, bet balikan ang non-showbiz ex?

Kering-keri rin daw ng dalaga na pagsabayin ang showbiz career at lovelife kaya wala siyang nakikitang problema sa takbo ng relasyon nila ng dyowa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rhen Escaño (@realrhen)


“Pero this time kasi, iba kapag same kayo ng field,” sey ni Rhen kasabay ng pagsasabing hindi raw seloso ang guy.

“Hindi. Supportive siya. Sige lang, go lang, push lang, ganu’n siya,” aniya.

Pero kahit anong pilit sa kanya na pangalanan ang kanyang BF ay hindi siya bumigay, “Ayoko po, kasi, as in, very private person talaga siya. And I really admire that.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May mga nanghula naman na baka raw ang direktor na si Prime Cruz ang tinutukoy ni Rhen na boyfriend na isa sa mga special guest ng dalaga na nanood sa premiere night ng “Karma.” Korek kaya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending