Julie Anne, Jillian excited makatrabaho si Isko: Grabe! Ultimate LODI!
IN FAIRNESS, nakakasabay naman si former Manila Mayor Isko Moreno sa young generation of artists na nakakatrabaho niya sa kanyang mga proyekto.
Tulad na lang ng latest project ni Yorme kung saan makakasama niya ang mga pambatong Kapuso artists para sa “Sparkle World Tour 2024” na magsisimula sa USA.
Dito makaka-join ni Isko sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Ai Ai delas Alas, at Boobay.
Baka Bet Mo: Alex hiyang-hiya sa nakakadiring prank kay Isko: Sorry po, Yorme!
Sa naganap na grand mediacon ng event present nga si Yorme with Sparkle artists Ruru Madrid, Bianca Umali, Jillian Wards, Ken Chan and Betong Sumaya na kabilang naman sa “Sparkle World Tour” sa Japan.
View this post on Instagram
Kuwento ni Isko, super excited na siyang magtungo sa iba’t ibang bansa at muling makapag-perform sa harap ng Pinoy audience. Ilang beses na rin daw siyang nakapunta sa Japan para magpasaya ng mga kababayan nating OFWs.
Inamin naman ni Yorme na may mga adjustments din siyang ginagawa para maintindihan at masakyan ang ugali at trip ng new generation stars.
“Siyempre ang challenge lang to catch-up with ‘yung antenna. Medyo the disparity, ‘yung the gap, the age gap between the mindset, and yesterday and today,” sabi ni Isko.
Baka Bet Mo: Isko Moreno sa pagtatapat ng ‘Yorme’ at ‘Eternals’ ng Marvel: Malaking challenge, pero…
“But I’m very happy kasi nakakasabay naman ako ng konti doon sa mga hirit nila. Especially with Betong, I worked with him for almost a year and every single day,” aniya pa.
Karamihan sa mga Kapuso stars na kasama sa “Sparkle World Tour” ay first time makakatrabaho ni Yorme kaya looking forward na silang magsama-sama sa ibang bansa.
Sey ng Asia’s Limitless Star na si Julie Anne, bilib siya sa talento at pagiging simpleng tao ni Isko at talagang excited na siya sa mga gagawin nilang performances sa tour.
“‘Yung up close po na nakakasama ko po si Yorme sa stage parang wala pa po. Pero I remember one time, nag-guest po siya sa All Out Sunday and nagsayaw po si Yorme.
View this post on Instagram
“Wala, grabe, like lodi, talaga, ultimate lodi. Kaya excited po kami mag-perform with Yorme,” sey ng dalaga.
Kuwento naman ng Star of the New Gen na si Jillian, “Nu’ng nakakasama ko na po si Yorme, na-discover ko po na astig po pala siya.
“Isa po siyang cool dad. So nae-excite po ako na makasama ko po sila sa Sparkle Tour kasi feeling ko po ang dami ko pong matutunan,” sey pa ni Jillian.
Para naman kay Bianca, “When I was with him, literal po talaga na marami po akong natutunan.
“As someone who loves reading lot of books, kapag kasama n’yo po si Yorme para siyang libro po talaga. He’s full of wisdom and he will really take care of you and put everyone around him as his people,” aniya pa.
Ang “Sparkle World Tour” sa USA ay magaganap August 9 at 10 at susundan ng second-leg sa Canada ng August 11 at 17, with Alden Richards and Boobay.
Sa September 1 naman ang “Sparkle Goes to Japan” kasama sina Ruru Madrid, Bianca Umali, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, Jillian Ward, Ken Chan at Betong Sumaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.