Igan nakaranas ng himala matapos ma-stroke: Ingat ka sa second attack!
ITINUTURING ng veteran broadcast journalist na si Arnold Clavio na isang himala ang nangyari sa kanya matapos makaranas ng hemorrhagic stroke.
Para kay Igan, second life na niya ito ngayon kaya mas magiging maingat na raw siya sa kanyang kalusugan para maiwasan na ang nangyari sa kanya two weeks ago.
Sa panayam ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” nitong nagdaang Linggo, muling binalikan ni Igan ang naranasang stroke at kung anu-ano na ang treatment na ginawa sa kanya ng mga doktor.
Baka Bet Mo: Heat stroke nakamamatay: Mga sanhi, sintomas at paano nga ba maiiwasan
“Hindi ko alam talaga mangyayari sa akin ‘to. Pero sabi nga hinay-hinay, unti-unti e makakabati uli ako ng ‘Magandang umaga, mga ‘Igan!'” aniya pa.
View this post on Instagram
Nangyari ang stroke noong June 11, habang pauwi na si Arnold mula sa paggo-golf, “Bigla na lang lumamig ‘to, right side ko, right arms ko. Malamig siya na mabigat. Erratic ‘yung drive ko. ‘Ano ‘to?’
“Tapos hindi ko na matapakan ‘yung brake and gas, tumatagos ‘yung paa ko. Sabi ko, ‘Naku! Hindi ko gusto ‘tong nangyayari.’ So ite-text ko si Ina. Naku! Iba-ibang letra na ‘yung nasa cellphone.
“Hindi na makabuo ng salita. Tapos nakita ko ‘yung speedometer ko parang ang bilis ko hindi naman ako tumatapak. ‘Yun pala natatapakan ko siya nang mabilis,” pag-alala ni Igan.
Baka Bet Mo: Arnold Clavio nahawa pa rin ng COVID-19 kahit super tindi na ang ginagawang pag-iingat: Be careful everyone!
Sa kabila nito, nagawa pa rin ng news anchor ang maisugod ang sarili sa hospital, “Maya-maya, dumating na ‘yung mga resident nurse saka ‘yung doktor sa ER. Sabi niya, ‘Sir, ang BP ninyo po is 220/120.'” Umabot din ang sugar level niya sa 270.
At nang sumailalim na siya sa CT scan, nadiskubre na may “slight bleeding” sa utak at na-diagnose nga siya ng hemorrhagic stroke.
View this post on Instagram
Ayon sa neurologist na si Dr. Greg David Dayrit, “Nagkaroon siya ng intracerebral hemorrhage. It’s a brain hemorrhage due to a rupture of an artery sa brain. So may pumutok na artery du’n sa kanyang utak.”
“Kasi si Arnold, diabetic din siya. Ang mga diabetic, maraming complications. Hindi purely effect lang nu’ng stroke, but pwede siyang nagkakaroon na ng complication ng diabetes, which is diabetic neuropathy. Kaya nagkakaroon siya ng mga pins and needles sa kanyang mga kamay, paa,” sabi pa ni Dr. Greg.
“Ang galing ng ginawa ni Arnold, presence of mind. Pumunta siya kaagad sa nearest hospital. Kapag hindi niya ginawa ‘yun, pwedeng lumaki ‘yung hemorrhage,” dugtong pa niya.
“Out of danger” na ngayon si Igan pero marami pa siyang dapat gawin para sa kanyang rehabilitation program. At sa kabila ng nangyari, never niyang kinuwestiyon ang Diyos.
“Ang tanong ko pa hindi ‘yung ba’t ako e, ang tanong ko pa ‘ano pa ang gagawin ko for Your glory?'” aniya.
Patuloy pa niya, “Wala na akong mahihiling. Kaya kung anuman ‘yung mangyari, handa na rin ako. Kaya sinasabi ng doktor na ‘Ingat ka sa second attack.’
“Siyempre nandu’n tayo sa pag-iingat. Pero kung sakali man panibagong pagsubok ‘yun, pasalamat pa rin ako sa blessings na naidulot nu’n,” sey pa ni Igan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.