Igan sa naranasang stroke: Walang fear of death...I'm ready to go

Igan sa naranasang stroke: Walang fear of death…I’m ready to go

Ervin Santiago - July 01, 2024 - 06:10 AM

Igan sa naranasang stroke: Walang fear of death...I'm ready to go

Arnold Clavio

PARA pa ring “sanggol” na naglalakad ang broadcast journalist at news anchor na si Arnold Clavio matapos makaranas ng hemorrhagic stroke.

Patuloy na sumasailalim sa gamutan at therapy si Igan bilang bahagi ng rehabilitation program upang tuluyang maging maayos ang kanyang health condition.

Sa nakaraang episode ng GMA morning show na “Unang Hirit” kung saan isa sa mga host si Igan, nagbigay nga siya ng update after ma-stroke last June 11.

Baka Bet Mo: Chie Filomeno, Jake Cuenca ‘spotted’ na magka-holding hands, sila na ba?

Nangyari ito habang nagmamaneho siya ng sasakyan at pauwi na galing sa paglalaro ng golf. Bigla na lang daw siyang nakaramdam ng matinding pamamanhid sa kanang braso at binti.

Agad siyang nagtungo sa pinakamalapit na ospital at na-diagnose nga siya ng hemorrhagic stroke. Kasunod nito, inilipat siya sa St. Lukes.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AkosiiGan😎 (@akosiigan)


Muling ikinuwento ng news anchor ang nangyari sa kanya sa “Unang Hirit”, “‘Yung right side ng body ko, nawala ‘yung connection sa pumutok na part ng brain ko.

“Kailangang mag-communicate sila, ‘yun ang part ng therapy. Ngayon, may numbness pa siya tsaka weakness. So wala pa akong balanse, para pa akong sanggol na naglalakad,” aniya pa.

Ipinakita pa niya sa viewers ang ginagamit na tungkod, na itinuturing niyang “best friend” ngayon. Aniya pa, marami pa siyang kailangan gawin bago masabing nasa “road to recovery” na siya.

Baka Bet Mo: Arnold Clavio nahawa pa rin ng COVID-19 kahit super tindi na ang ginagawang pag-iingat: Be careful everyone!

Sabi pa ni Arnold, feeling daw niya ay  mamamatay na siya dahil sa hemorrhagic stroke, “Ang ginawa ko nag-Google ako, which is mali. Ginoogle ko ‘hemorrhagic stroke.’ Ang nakalagay doon, two days to live na lang ako, dalawang araw.

“Tinawag ko my wife. Sabi ko ‘Ma, mag-ready ka na.’ ‘Bakit?’ ‘Dalawang araw na lang ako.’ ‘Sino nagsabi sa ‘yo?’ ‘Google.’ ‘Ano ka ba, tanggalin mo nga ‘yung Google,’” chika ni Igan.

“Pero that moment, na-experience ko na ‘yung miracle. I’m ready. Talagang at peace ako, walang fear of death. Para bang dumating pa sa point na, ‘Ano ‘to? Ba’t nandito pa rin ako?’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AkosiiGan😎 (@akosiigan)


“Kasi iba ‘yung naramdaman ko at that moment, na alam mong konting panahon ka na lang, kasi ‘yun ang pumasok sa isip ko.

“Parang nag-flashback lahat sa ‘yo sa buhay mo, and sabi ko, mukhang nagawa ko na naman lahat. Wala na kong mahihiling pa. I’m ready to go,” aniya pa.

Feeling blessed and thankful din siya dahil hindi na-deform ang kanyang mukha at hindi nabulol o nawala ang boses, na karaniwang nararanasan ng ilang na-stroke.

“Sabi ko nga, kinalabit lang ako (ni Lord).  Wake up call, not for me, para sa lahat na, sabi ko nga, if you’re feeling okay, does not mean you’re okay,” ani Igan.

Sabi pa ni Igan, sa kabila ng nangyari, gusto niyang manatiling masaya ang mga mahal niya sa buhay pati na ang  malalapit niyang kaibigan at supporters.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ayokong idamay kayo. Gusto kong makita niyong masaya ako. Masaya kayo, masaya na rin ako. Ingat po tayo,” ani Igan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending