Rendon may offer sa showbiz: Kung mag-aartista ako gusto ko kontrabida
INALOK daw ng award-winning director na si Joel Lamangan na makasama sa pelikula niya ang controversial social media personality na si Rendon Labador.
Ibinandera ng motivational speaker sa kanyang Facebook account na may offer sa kanya si Direk Joel noon pero hindi ito natuloy kaya nanghinayang siya nang bonggang-bongga.
Ayon kay Rendon, na-bad trip daw siya sa nangyari dahil sayang daw ang naturang project na inaalok ng premyadong filmmaker at napurnada pa. At in fairness, may pa-survey pa siya sa kanyang mga followers.
Post ni Rendon sa kanyang FB page, “Kung sakaling mag aartista ako, gusto ko KONTRABIDA. Ano kaya magandang screen name?”
View this post on Instagram
Patuloy niya, “Hindi natuloy yung pelikula na offer ni direk Joel Lamangan last time, kasi parang na-hack yung account niya after niya mag offer.
“Hindi ko na ma contact sayang. Ngayon nag iisip isip ako kung anong magandang career ang papasukin ko? May idea ba kayo? pa comment naman salamat.
“Sana hi-nack na lang ninyo pagtapos ng pelikula ko. Minsan na nga lang may mag offer na hack pa! Badtrip!” ang hirit pa ng socmed personality na kamakailan lang ay pinatawan ng personal non grata sa buong Palawan kasama ang vlogger na si Rosmar Tan.
Narito ang ilang reaksyon at sagot ng netizens sa FB post ni Rendon at sa kanyang pa-survey.
“Rendon Labador Kalabanin mo si Cardo idol Suntukan Kayo Hindi Kasi natataan ng Bala yum Baka matamaan mo sa suntok HAHAHAHA!”
“Red striker idol bagay sayo dahil motivated ka at di basta basta nag papa apekto sa mga negativities. sana mapansin idol salamat.”
“Ren Ren Labador: Apo ni Angkong ng Red phoenix Or ANAK ni General Pacheco. Ikaw makakalabam ni TANGOL
Kaagaw Kay BUBBLES.”
View this post on Instagram
“Tolongges labador ang magandang screen name mo tapos ang mga pelikula mo ay comedy horror.”
“JUANITO DELMAR!, BUKAS NG ALAS KWATRO MAS MAINIT PA ANG PANDESAL SAYO!”
“Bagay mo po mag action star.
pang kontrabida.pero keri din nmn sa bida.”
“HINDI KAPA PWDE IDOL HINDI KAPA TULI P@TULI KA MUNA.”
“Idol sa batang quiapo try mo bagay sayo kontrabida dun paniguradong bagay na bagay sayo.”
“WaG kana mag artista di bagay sayo. nakita ko na ugali mo kung paano ka umastang mag duduro sa nag iisang babae. sayang idol pa naman kita kala ko Good’s at my mindset kang mahinahon maki Pag usap Pag may away sa essue. Pero siga ka at my pasabi pang!!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.