Bea Alonzo hinahanap sa 'Showtime', absent sa promotion ni Carla

Bea Alonzo hinahanap sa ‘Showtime’, absent sa promotion ni Carla

Therese Arceo - June 29, 2024 - 09:59 PM

Bea Alonzo hinahanap sa 'Showtime', absent sa promotion ni Carla

MARAMI sa mga netizens ang nagtataka kung bawal raw ba ang Kapuso star na si Bea Alonzo na umapak sa noontime program na “It’s Showtime”.

Napag-usapan kasi sa “Showbiz Update” episode ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi na uploaded noong June 27 ay napag-usapan nila ang naging guesting ni Carla para i-promote ang bago niyang teleserye na “Widows’ War”.

Kasama ni Carla sa naturang teleserye si Bea kaya marami raw ang nagtataka kung bakit hindi kasama sa pagpo-promote ng teleserye ang aktres.

“Andami kong nababasa. Kasi nag-guest si Carla Abellana sa ‘It’s Showtime’ para i-promote ‘yong ‘Widows’ War’ nila ni Bea Alonzo,” panimula ni Ogie.

Tanong raw ng madlang people, bawal raw ba ang aktres sa “It’s Showtime”.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo may patong-patong na kaso nga ba matapos idemanda ng dating driver?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Kaya lang ‘yong ibang netizen, nagtataka. Bakit wala raw si Bea? Banned daw ba si Bea sa It’s Showtime? O hindi ba pwedeng mag-guest si Bea sa anumang show ng ABS-CBN? Syempre hindi naman natin alam ang sagot diyan, ‘di ba?” sey pa ni Ogie.

Ngunit tila imposible raw ito ayon kay Mama Loi dahil kamakailan lang ay magkasama sila sa launching ng kanyang business.

L“Paano naman, Nay, magiging banned si Bea e di ba mayroon nga silang picture ni Meme Vice no’ng launch ng BASH Manila na bag?” saad nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Goods sila ni Meme. Kaya lang, itong guesting sa It’s Showtime, hinahanap nga si Bea. Syempre hindi naman natin alam baka hindi puwede si Bea. Baka may ibang natanguang commitment,” sabi naman ni Ogie.

O baka raw nasa ibang bansa pa ang aktres kaya hindi ito nakasama sa pagpo-promote ng teleserye.

Matatandaang napabalita kamakailan na may nakakita kay Bea na may kasamang lalaki sa airport at hinihinalang ito ang kanyang bagong dyowa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending