BINI Sheena standee binalik na, kumuha nagpaliwanag

BINI Sheena standee binalik na, kumuha nagpaliwanag

Therese Arceo - June 28, 2024 - 01:02 AM

BINI Sheena standee binalik na, kumuha nagpaliwanag

ISINAULI na ng isang fan ang nawawalang standee ng miyembro ng BINI na si Sheena Catacutan.

Ito ay nangyari makalipas ang ilang araw buhat nang i-launch ng Star Magic Head na si Lauren Dyogi ang “Finding Sheena” campaign para sa nawawalang standee.

Isang fan na nagpakilala bilang si “Eli” ang nag-reach out at nagsauli ng naturang standee base na rin sa in-upload na video sa Facebook page ng BINI noong Huwebes, June 27.

Pagbabahagi ni Eli, nag-message sa kanya ang taong mismong kumuha ng standee at sinabing nasa kanya ito at nagpapatulong na maibalik ito matapos ang naging panawagang ng Star Magic head.

Baka Bet Mo: Maris Racal napagkamalang si BINI Gwen nang rumampa sa Pride March

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ang sabi niya lang po, naano po talaga ‘yung pagfa-fangirl niya po. Tinulungan daw po siya ng ibang Blooms (tawag sa fans ng BINI) na ilabas [‘yung standee],” saad ni Eli kay Dyogi.

Nang tanungin daw niya ito kung paano niya naiuwi ang standee sy sinabi nitong may sasakyan siya.

“‘First things first, I’m really sorry for [the inconvenience I] caused the management, and to me as well due to the actions during
BINI Day. Napindot po kasi si die-hard [and] I thought it was okay since wala naman pong nagsabi na bawal.’

“‘Naisip ko rin po at the same time na sayang if ever hindi na magagamit; baka pwede na siya iuwi,’” mensahe ng kumuha sa standee na ibinahagi ni Eli.

Inamin rin ng hindi nagpakilalang fan na katakot takot na bullying ang inabot niya sa social media dahil sa pag-uwi ng standee ni Sheena.

Bukod pa rito ay naibahagi rin nito na natakot siya dahil marami na ang mga nakaalam ng kanyang identity.

Nakiusap rin ito sa publiko na sana’y itigil na ang pagpapakalat ng kanyang larawan sa social media.

Nagpasalamat nanan si Direk Lauren sa pagbabalik ng standee ni BINI Sheena at tinatanggap rin ng buong management ang paghingi ng tawad ng fan.

Ngunit nagpaalala ito na dapat ay lagyan ng limit ang pagpa-fan girl.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang importante naman ay may natutunan kang leksyon sa nangyaring ito. Yes, sometimes nangingibabaw ‘yung pakiramdam natin, pero sana ‘yung mga tinuro sa atin nung bata tayo ay hindi natin kakalimutan—basic things: ‘wag niyong kukunin ang bagay na hindi sa inyo,” saad ni Direk Lauren.

“Getting something that’s not yours is not really cool. So, sana hindi na po maulit ito,” dagdag pa niya.

Samantala, binigyan naman ni Direk Lauren ng BINI merch si Eli at ipinangakong kikitain itong muli.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending