Maris napagkamalang si BINI Gwen nang rumampa sa Pride March

Maris Racal napagkamalang si BINI Gwen nang rumampa sa Pride March

Reggee Bonoan - June 24, 2024 - 09:26 AM
Maris Racal napagkamalang si BINI Gwen nang rumampa sa Pride March

UMABOT sa 371.5k views, 827 retweet, at 10k engagements ang ipinost ni Maris Racal kung saan tinawag siyang BINI GWEN sa kanyang X account.

Ito yung video na naglalakad siya sa East Avenue papasok sa Quezon Memorial Circle kung saan ginaganap ang pagtitipon para sa PridePH Festival.

Dahil sa bagong hair style ngayon ni Maris ay napagkamalan siyang  miyembro ng Girl group na BINI bilang si BINI Gwen.

Ang sagot ni Maris sa tumatawag sa kanyang BINI Gwen, “Eto yung naglalakad ako sa east ave Happy Pride talagaaa! #LoveLaban2Everyone.”

Hindi kami pamilyar kay Bini Gwen kaya tsinek namin ang pictures niya at oo nga hawig sila ni Maris kaya naman napagkamalan ang aktres na miyembro ng sikat na sikat ngayong Filipino girl group.

Baka Bet Mo: Karen Davila sa BINI: ‘OMG ang babait! Tama lang na iniidolo niyo sila!’

Isa rin kasi ang BINI sa guest sa ginanap na PridePH Festival pero dahil sa malakas na ulan at nagkaroon ng technical problem kaya hindi na nakapag-perform ang grupo dahil pinahinto na ito ng namamahala ng show.

Isa rin sa dahilan kaya punumpuno ang venue ng PridePh Festival ay dahil sumugod ang supporters ng BINI at nakunan pa sila ng “TV Patrol”na nagsisiksikang makapasok at na-interview din ang iba na ang grupo nga raw ang gusto nilang mapanood n@,g personal kaya sila naroon kahit malakas ang ulan.

Going back to Maris ay nakapag-perform naman siya sa nasabing event, “MY FIRST PRIDE MARCH! Mahal ko kayo! Happy Pride! #LoveLaban2Everyone.  Mahal ko ang mga bading!”

Sabay promote ng singer-actress sa pelikula niyang “Marupok AF (Where is the Lie)” kung saan gumaganap siya bilang direktor. Kasama niya rito sina Royce Cabrera, EJ Jallorina at iba pa mula sa direksyon ni Quark Henares under Anima Studio.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending