Heart nagbigay ng tips sa paggawa ng online content: Nostalgic!

Heart nagbigay ng tips sa paggawa ng content: I wanted to be nostalgic

Ervin Santiago - June 26, 2024 - 07:55 AM

Heart nagbigay ng tips sa paggawa ng content: I wanted to be nostalgic

Heart Evangelista

NAG-SHARE ng ilang tips ang Kapuso actress na si Heart Evangelista sa paggawa ng content sa iba’t ibang social media platforms.

In fairness, palaging trending at karaniwang nagba-viral ang mga ipino-post ng international Pinay fashion icon sa socmed, lalo na sa Instagram Reels.

May sariling team si Heart sa paggawa ng kanyang mga content pero siya raw mismo ang nagpaplano at nagko-conceptualize ng mga ibabandera niya sa kanyang socmed accounts.

Sa kanyang YouTube account, ibinahagi ni Heart ang video ng bago niyang episode para sa kanyang “I AM Heart”  series kung saan mapapanood ang pagbibigay niya ng tips sa paggawa ng online content.

Baka Bet Mo: Neri nag-share ng tips sa mga mister para mas ma-in love pa si misis

Sey ni Heart, bago niya simulan ang isang project, “I would already sketch a board, I grew up with filmmakers and commercial agencies, and I would always be presented with what I was gonna do through a board, a storyboard.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Isa raw sa kinakarir niya kapag pinaplano ang isang content, ay ang paglalapat ng background music. Pag-amin ng wifey ni Sen. Chiz Escudero, nai-stress siya kapag hindi niya pinlano beforehand ang music.

“I wanted to be nostalgic, I’m 39. There are just so many music that just clicks! Like a certain memory or certain scent that I want to kind of incorporate with the Reel,” sey ng Kapuso star.

Baka Bet Mo: Maxene nag-share ng 8 ‘gabay’ para ma-improve ang mental health: ‘Stop calling yourself stupid & fat…do not judge yourself EVER’

Naichika rin ni Heart ang tungkol sa collaboration nila ng celebrity photographer and videographer na si Edward Berthlot. Inilarawan niya ang kanilang samahan bilang “funny relationship.”

Kahit daw may isyu ng language barrier, nagkakaintindihan naman daw sila kapag meron silang planning content.

“But when I start to sketch the boards, he understood exactly what I meant and it was just like really more of the movement, how I wanted it, and the transitions.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Usually, I would just send him the board and he would know what I’d mean, right exactly what I wanted, where the music would start, exactly what time. I loved it,” sabi pa ni Heart.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending