Janella, Jane nagpakilig sa music video, trending agad sa YouTube
KILIG to the max ang maraming fans sa naging sorpresa ng aktres na si Janella Salvador ngayong Pride Month.
Bukod sa nag-release siya ng bagong kanta, nakatambal ni Janella sa music video ang aktres na si Jane de Leon!
Yes, yes, yes mga ka-BANDERA –the wait is over dahil natupad na ang matagal na ninyong hinihiling…ang magtambal sina Jane at Janella sa isang proyekto!
Ito ang kantang “Hey You” na inilabas noong June 22.
Sa Instagram, proud na ibinandera ni Janella ang teaser nito at may caption pang: “Happy Pride, my dear vadengs! I hope you like my little gift.”
Baka Bet Mo: Janella umamin: ‘Hindi talaga kami friends ni Jane nu’ng nag-start ang Darna, hindi kami nag-click agad-agad’
Sa YouTube naman, ang music video ay trending agad at pang-16 sa listahan ng “trending for music.”
Mapapanood sa video na iikot ang istorya sa dalawang magkaklase na may lihim na pagtingin sa isa’t-isa hanggang sa nag-first move na si Jane at doon na nagsimula ang kanilang kilig moments.
Sa dulo ng video, may iniwan pa itong mensahe na ang sabi ay, “Love is love, regardless of who it finds.”
Sa exclusive interview ng ABS-CBN News, aminado si Janella na tuwang-tuwa siya sa kinalabasan nito.
“It’s actually my concept talaga. Kaya yeah, I wanna cry, I’m so happy it actually happened,” sey niya.
Chinika rin niya na maraming pinagdaanang pagsubok ang kanilang paggawa ng music video, pero ang mahalaga ay maganda ang kinalabasan nito.
“It’s just generic obstacles where anything that could go wrong went wrong. So literally anything — like the location, approvals, everything. Everything went wrong. Even the day itself, during the shoot, everything went wrong,” kwento niya.
Mensahe pa ng aktres, “But I hope you guys like it. I hope it turned out great, and most importantly, I hope it inspires people to make a move and not be shy.”
Dagdag pa ng celebrity mom, “I’m so happy that Jane said yes, of course. It means so much to me na she was on board with everything. Sobrang game siya sa lahat.”
“Everything I asked her, everything I asked her to do, kung okay lang ba sa kanya, she was really just down with everything, so I’m so thankful for that,” sambit niya.
Nabanggit din niya na umaasa siya sa posibleng Gir Love (GL) project nilang dalawa ni Jane.
“Sana matuloy na ‘yung GL. Sobrang na-excite kami, tapos hindi siya natuloy, we’ve been crying out loud for it,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.