Mark Escueta naloka sa cashier, ayaw bigyan ng popcorn at drinks

Mark Escueta naloka sa cashier, ayaw bigyan ng popcorn at drinks?

Therese Arceo - June 20, 2024 - 08:42 PM

Mark Escueta naloka sa cashier, ayaw bigyan ng popcorn at drinks?

Mark Escueta

HINDI makapqniwala ang miyembro ng bandang Rivermaya at asawa ni Jolina Magdangal na si Mark Escueta aa kanyang naging encounter sa cashier sa sinehan.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang panonood nila ng kanyang pamilya sa pelikulang “Inside Out 2”.

Pinuri pa nga ni Mark ang pelikula na pinanood nila noong Sabado, June 15 at kasabay nito ay ang pagkukuwento niya ng kanyang naging experience.

“Tulad nung unang movie, mag-eenjoy mga bata pero matindi rin ang tama sa magulang
Nawala yung inis ko don sa lalaking cashier na nagbibigay ng popcorn sa U.P. Town Center Cinema,” pagbabahagi ng singer.

Baka Bet Mo: Marvin Agustin nag-explain kung bakit hindi pumunta sa kasal nina Jolina Magdangal at Mark Escueta; umaming may ‘na-fall’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Chika ni Mark, inabot na sila ng simula ng pelikula kaya naman siya na ang pumila para kunin ang popcorn nilang apat.

“Nasa akin yung stubs para ng popcorn pero movie ticket ko lang hawak ko kasi nga nauna nang pumasok sina Jolina at mga bata.

“Dahil don, di daw niya ako pwedeng bigyan ng popcorn at drinks. Kailangan daw may ticket din,” lahad ni Mark.

Pinaliwanag pa nga niya sa cashier na nagsisimula na ang movie kaya hindi na niya hawak ang ibang tickets ngunit hindi pa rin siya pinayagang makuha ang popcorns at drinks nilang mag-anak.

Sey pa ni Mark, “Ok lang naman. Policy nila yan. Dapat lang sundin natin. *kaya sumunod ako*”

Nakiusap rin daw siya kung maaaring idaan na lang niya pagkatapos ng pelikula ang mga tickets ngunit hindi pa rin daw ito pumayag dahil nangyari na raw ito sa kanya noon at hindi na siya binalikan.

Ngunit ang ikinaloka ni Mark ay ang paraan ng pagsabi nito na hindi raw in a manner na pang-Ayala Malls.

“Galing diba? Di nalang diretchong sinabi na ‘Sir, sinungaling ka eh’ [laughing emoji]

“Anyway, dahil 10 minutes late na ako sa movie, sabi ko di bale nalang,” sabi pa ni Mark.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Buti na lang daw ay maganda ang pelikula at nag-enjoy pa rin sila.

Sa ngayon ay deleted na ang Instagram post ni Mark.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending