Jolina gusto na uling pabuntis kay Mark Escueta: Sana girl naman! | Bandera

Jolina gusto na uling pabuntis kay Mark Escueta: Sana girl naman!

Ervin Santiago - November 02, 2015 - 02:00 AM

jolina magdangal

GUSTO na uling magpabuntis ni Jolina Magdangal sa asawang si Mark Escueta. Malaki na raw ang panganay nilang si Pele kaya pwede na nila itong sundan.

Sey ni Jolens sana raw girl naman ang next baby nila ni Mark, “Parang naisip namin next year mga siguro sa last quarter. Siguro mga November 3. Wah, may date pa! Ha-hahaha! Hindi siguro mga next year pa, ganu’n. Sana girl ang next.”

Proud namang sinabi ni Jolens na lagi lang nakasuporta si Mark sa mga ginagawa niya lalo na sa kanyang career. Natutuwa nga siya na pumayag itong ma-ging endorser ng Super Twins Diaper si Pele at umapir sa TV commercial.

“Si Mark supportive siya. Pag alam niyang i-kabubuti ng family namin or ikakasaya ng family namin, kumbaga maayos na magiging kasama namin or magiging kaibigan ng family namin, go-go yan.

“Minsan ako pa nga ang may ibang bagay na napapaisip pa ako. Pero siya ipapaliwanag niya na ganito ganyan so kahit sabihin natin na medyo low profile siya, pero siya yung mas malawak ang pag-iisip sa akin kasi siya yung bumabalanse ng isip ko kaya madali ko naman siya mapapayag sa mga bagay na alam kong makakabuti sa amin,” dagdag ng singer-actress.

Dahil madalas isinasama ni Jolina ang anak sa taping, nasanay na itong makigulo sa maraming tao at lumalaking hindi mahiyain, “Since hands-on kami, lagi kaming nakaalalay sa kanya tapos sanay na sanay talaga siya kasi pag sa ta-ping sinasama ko siya, alam na alam niyang makipag-chikahan sa mga tao.

Hindi siya yung sumpong na kapag ganitong oras na ayaw na niya or nagtatago na lagi. Mas masaya siya pag mas maraming tao. Mas active siya kapag gan’n.”

Mas madalas nga raw pag pumupunta sila ni Mark sa special events ay si Pele lagi ang unang hinahanap ng mga tao, “Kapag nga nasa taping, parang si Pele minsan inuuna pa siyang hinahanap ng staff bago sila mag-hi muna sa akin.

Inuuna nilang hanapin si Pele kasi nga sanay silang nandu’n. At saka yung mga tao sa taping or sa kahit saan alam na nila na may konting adjustment kasi may kasama akong bagets. Pero since si Pele ay hindi pasaway, kumbaga mahal din siya ng mga kasamahan ko.”

Natanong naman si Mark sa presscon ng Super Twins Diaper kung nasanay na rin siya sa magulo ngunit masayang mundo ng kanyang misis, “Hindi. Ha-hahaha! Hindi pa rin. Pero anything na matutulong ko sa family namin, gagawin ko.

Lalo na something as important as this na para sa family, gusto rin namin maging inspiration sa mga existing at future families sa bansa natin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending