Justin Timberlake inaresto, nag-‘overnight’ sa presinto, anyare?

Justin Timberlake inaresto, nag-‘overnight’ sa presinto, anyare?

Pauline del Rosario - June 20, 2024 - 11:38 AM

Justin Timberlake inaresto, nag-‘overnight’ sa presinto, anyare?

PHOTO: Screengrab from Instagram/@justintimberlake

NAARESTO ang sikat na international pop star na si Justin Timberlake sa New York City.

Ayon sa mga awtoridad, nahuli siyang nagmamaneho nang lasing at dahil diyan ay nakulong siya, pero nakalaya rin kinabukasan.

“Justin Timberlake was arrested in Sag Harbor for driving while intoxicated,” saad sa isang pahayag ng prosecutor’s office sa Suffolk County.

Dagdag pa, “He was arraigned in Sag Harbor Village Justice Court and released on his own recognizance.”

Si Justin ay muling haharap sa korte sa pamamagitan ng virtual appearance sa darating na July 26 dahil sa nangyari.

Baka Bet Mo: Britney Spears may ‘ipinalaglag’ na baby noong dyowa si Justin Timberlake

Base sa police report ng Sag Harbor, madaling araw na nang pinara ng isang police office ang kotse ng singer dahil dina-drive niya ang BMW na nasa maling bahagi ng kalsada.

“Upon investigation, it was determined that Mr Timberlake was operating his vehicle in an intoxicated condition,” sey ng pulisya na kinukumpirma ang mga naunang media reports.

Pagbabahagi pa, “Mr. Timberlake was placed under arrest, processed, and held overnight for morning arraignment.”

Ayon sa ulat ng CBS na inilathala ang court documents, pulang-pula ang mga mata ni Justin at hindi maganda ang naging resulta ng isinagawang sobriety tests sa kanya.

Para sa kaalaman ng marami, ang “sobriety test” ay ginagamit ng mga pulis sa Amerika upang malaman kung ang isang tao ay lulong sa alak o ilegal na droga habang nagmamaneho.

Ayon naman daw kay Justin, sinabi nito sa mga pulis na uminom lamang siya ng isang baso ng martini at sinusundan niya ang kanyang mga kaibigan pauwi.

Si Justin ay nag-umpisang sumikat bilang miyembro ng international boy band na NSYNC, bago pa man niya tahakin ang solo career at eventually ay maging isang aktor.

Sampung Grammy awards at apat na Emmy awards na ang nakukuha niya sa kanyang acting career.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Siya ay kasal sa aktres na si Jessica Biel at may dalawa silang anak na lalaki.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending