Carly Rae Jepsen engaged na sa boyfriend na record producer

Carly Rae Jepsen engaged na sa boyfriend na record producer

Pauline del Rosario - September 27, 2024 - 04:57 PM

Carly Rae Jepsen engaged na sa boyfriend na record producer

PHOTO: Instagram/@carlyraejepsen

MAKALIPAS ang dalawang taon, engaged na ang Canadian singer na si Carly Rae Jepsen sa boyfriend niyang American record producer na si Cole Marsden Greif-Neill o mas kilala bilang si Cole M.G.N.

Ang masayang balita ay ibinandera mismo ng “Call Me Maybe” singer sa kanyang Instagram account.

“Very engaged over here,” caption niya kalakip ang ilang sweet photos nilang dalawa at siyempre ang kanyang engagement ring na may malaking diamond. 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carly Rae Jepsen (@carlyraejepsen)

Baka Bet Mo: ‘Gento’ ng SB19 approved entry sa 66th Grammy Awards

Ilan lamang sa international stars na nagpahayag ng kanilang tuwa ay ang American dancer-actress na si Julianne Hough, singer-songwriter Bonnie McKee, at marami pang iba.

Kung matatandaan, taong 2022 nang ibinunyag ni Carly ang real score nila ng music producer na kung saan ay nagkaroon ng special mention ang huli sa pagdiriwang ng 37th birthday ng singer.

“And to my man Cole,” bahagi ng kanyang caption. 

Aniya pa, “I wished for lots of secret things but also and most importantly, just more birthdays with you.”

Nagkakilala ang dalawa nang magsama sila sa pagbuo ng track na “So Right” na kung saan ang co-writer at nag-produce nito ay ang M.G.N.

Sa isang interview, lubos ang pasasalamat ni Carly dahil nakilala niya riyan ang kanyang soon-to-be husband.

Samantala, taong 2013 nang huling bumisita dito sa Pilipinas ang Canadian singer para sa kanyang solo concert, then bumalik siya sa bansa after six years.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maaalalang nag-umpisa siyang nakilala at sumikat dahil sa hit song niyang “Call Me Maybe” na inilabas noong 2011.

Dahil sa kanta na ‘yan, naging nominado si Carly sa dalawang Grammy awards –ang song of the year at best pop solo performance.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending